Ivana Alawi, kinaaliwan sa kanyang 'Swapping wallets with a Stranger' vlog

Ivana Alawi, kinaaliwan sa kanyang 'Swapping wallets with a Stranger' vlog

- Binahagi ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel ang kanyang panibagong vlog na pinamagatang 'Swapping wallets with a Stranger'

- Sa tulong ng kanyang ibang kasamahan ay sinubukan nila kung may magbabalik ba ng wallet na sinadya nilang ihulog

- Ang taong magbabalik ng wallet ay pinagshopping nina Ivana at kapatid niyang si Hashim gamit ang perang nasa wallet nila

- Hindi naman nasamahan ni Ivana sa pag-grocery ang dalawang tao na napili nila dahil pinagkaguluhan na siya ng mga tao

Sinubukan ni Ivana Alawi kung may mga tao bang matapat na magbabalik ng wallet ng sinadya nilang ihulog. Bilang gantimpala ay binigay nila ng kapatid niyang si Hashim ang cash na nasa wallet nila sa taong magbabalik sa nahulog na wallet.

Ivana Alawi, kinaaliwan sa kanyang 'Swaaping wallets with a Stranger' vlog
Ivana Alawi, kinaaliwan sa kanyang 'Swaaping wallets with a Stranger' vlog
Source: Youtube

Para sa isa sa napili, hindi naman na kailangan ng gantimpala sa paggawa ng bagay na aniya ay tama. Gayunpaman, masaya siya at nagpasalamat sa binigay sa kanyang pagkakataon na makapamili.

Read also

Toni Fowler, humingi ng pang-unawa para sa ate niya: "Sya halos nagpalaki ng mga bata"

Ang babae naman na napili nila ay nag-alangan pa lalo at hindi niya alam kung anong nangyayari. Aniya, inakala niya daw na ma-iiscam siya.

Panuorin ang kabuuan ng vlog ni Ivana dito:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Dra. Vicki Belo at asawa niyang si Hayden Kho sa vlog kung saan naging magulang sila nina Mona at Ivana habang naglilibot sa Italy. Sa simula ng vlog ay makikita ang mag-asawa at sinabi ni Dra. Belo na kailangan ng mga anak nila ng disiplina ni Hayden at pang-spoil ni Doktora. Agad pinuna ni Dra. Belo ang kanyang pananamit at sinara ang suot nitong cardigan sabay nagbiro na siya na lang ang magsasara dahil delikado pag si Hayden. Natawa naman si Hayden sa biro niyang ito kaya nabatukan niya ito nang pabiro.

Read also

Toni Fowler, pinapili si Papi: "Ilalabas niya 2 bata o ilalabas niya 2 susi ng sasakyan"

Naibahagi din ni Ivana Alawi sa vlog niya ang bahay nila sa Bacood Sta Mesa. Paglilinaw nila ni Mona, nagsimula sila sa simpleng buhay taliwas sa nakikita sa kanilang vlog. Kinuwento nila ang kanilang mga memories sa dating bahay na ayon sa kanila ay malaki na para sa kanila. Pinakita nila ang ilang bahay na kanilang nilipat-lipatan noong doon sila nakatira.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel