Toni Fowler, pinapili si Papi: "Ilalabas niya 2 bata o ilalabas niya 2 susi ng sasakyan"

Toni Fowler, pinapili si Papi: "Ilalabas niya 2 bata o ilalabas niya 2 susi ng sasakyan"

- Muling nagkaharap sina Toni Fowler at Papi Galang sa bagong episode ng kanilang reality show

- Sinubukan ng ate ni Toni na si Mari Fowler na pumunta sa bahay nina Papi para daw mayakap man lang ang kanyang pamangkin na si Dodong

- Hindi pumayag si Papi dahil aniya ay tulog na ito at hindi niya pinapasok sa bahay nila si Mari

- Kaya naman, nagsumbong ito kay Toni at sumugod naman si Toni para tulungan ang ate niyang makita ang kanilang pamangkin

Pinapili ni Toni Fowler si Papi Galang kung ipapakita niya ang dalawang anak niya sa kanila o ibalik nito ang susi ng kotse na binigay niya. Ito ay matapos pumunta ng ate ni Toni na si Mari Fowler sa bahay nina Papi para sana makita ang kanyang pamangkin.

Toni Fowler, pinapili si Papi: "Ilalabas niya 2 bata o ilalabas niya 2 susi ng sasakyan"
Toni Fowler, pinapili si Papi: "Ilalabas niya 2 bata o ilalabas niya 2 susi ng sasakyan"
Source: Youtube

Ani Toni, hindi na sana sila nag-aaway ni Papi ngunit hindi din niya natiis ang kanyang ate na hindi pinayagan ni Papi na pumasok sa bahay nila. Sinabi nito na gumawa ng anak niya si Mari kung gusto niya mag-alaga ng bata.

Read also

Angelica Jones, umapela sa ex na kilalanin ang anak nila para makapagtapos ito ng pag-aaral

Kinalaunan ay pinapasok din sila at nakasama nila ang dalawang bata. Paliwanag naman ni Mari, kahit naman may anak na siya dadalawin niya pa rin ang kanyang mga pamangkin.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel