Angelica Jones, umapela sa ex na kilalanin ang anak nila para makapagtapos ito ng pag-aaral

Angelica Jones, umapela sa ex na kilalanin ang anak nila para makapagtapos ito ng pag-aaral

- Aminado si Angelica Jones na nasasaktan siya nang sobra na makita ang anak niyang nasasaktan dahil ayaw daw pirmahan ng tatay ng anak nito ang birth certificate niya

- Kailangan daw ito para maka-graduate ang anak niya sa grade 6 dahil ang kanyang birth certificate ay kailangan pirmahan para sa late registration

- Pinaplano daw niyang magsampa na ng kaso dahil lumagpas na ang isang linggo na naroroon ang pinapapirmahan nila sa kanyang ex

- Ani Angelica, hindi naman siya naghahabol dahil simula nang pinanganak niya ito ay siya lang daw ang gumastos sa lahat

Binahagi ni Angelica Jones na pinag-iisipan nila na magsampa ng kaso sa tatay ng anak niya dahil ayaw nitong pirmahan ang birth certificate na isa sa requirement para makapag-graduate ito. Sa panayam na binahagi ng ABS-CBN News, nabahagi ni Angelica na sobrang nasasaktan siya na makita ang anak niya na umiiyak dahil dito.

Read also

Toni Fowler, pinapili si Papi: "Ilalabas niya 2 bata o ilalabas niya 2 susi ng sasakyan"

Angelica Jones, umapela sa ex na kilalanin ang anak nila para makapagtapos ito ng pag-aaral
Angelica Jones, umapela sa ex na kilalanin ang anak nila para makapagtapos ito ng pag-aaral
Source: Youtube

Aniya, nanghihinayang maging ang anak niya dahil matataas ang grades nito. Gayunpaman, dahil sa hindi napipirmahang birth certificate ng anak ay nabu-bully daw siya.

Nilinaw niya rin na wala silang habol sa pera nito dahil aniya ay kinaya naman niyang siya lang ang bumuhay sa anak niya simula nang ipanganak niya ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Angelica Banaag Alarva o mas kilala sa kanyang screen name na Angelica Jones ay isang singer at aktres na kinalaunan ay pumasok sa pulitika. Pinasikat niya ang awiting "Miss Flawless". Nagsilbi siya bilang Board Member sa 3rd district ng Laguna mula 2010 hanggang 2016 at mula 2019 hanggang 2022.

Matatandaang ang anak ni Angelica na si Angelo ang mismong nagsalita para ihayag ang kanyang saloobin kaugnay sa ama niya. Hiling daw niya na pirmahan lang nito ang birth certificate niya at sana ay ituring siya nito bilang kanyang anak. Pakiramdam niya daw ay wala siyang ama sa loob ng sampung taon at single mom ang nanay niya. Sa YouTube video ni Morly Alinio ay sinabi ni Angelica na mismong ang anak niya ang nagsabing magsasalita na daw siya dahil future niya ang nakasalalay sa kanilang sitwasyon.

Diretsahang sinabi ni Angelica na handa siyang kasuhan ang ama ng anak niya dahil hindi raw nito pinirmahan ang birth certificate ng anak niya. Aniya, dapat bigyan ng leksiyon ang ama ng anak niya dahil sa ginawa niya sa anak nila. Nabanggit pa ni Angelica na sampung taon na siya ang sumuporta sa anak niya at wala namang kayamanang usapan. Sa panayam ni Morly Alinio sa YouTube channel nito ay inihayag ni Angelica ang kanyang saloobin.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel