Anak ni Angelica Jones, hiling na ituring siyang anak ng kanyang ama

Anak ni Angelica Jones, hiling na ituring siyang anak ng kanyang ama

- Ang anak ni Angelica Jones na si Angelo ang mismong nagsalita para ihayag ang kanyang saloobin kaugnay sa ama niya

- Hiling daw niya na pirmahan lang nito ang birth certificate niya at sana ay ituring siya nito bilang kanyang anak

- Pakiramdam niya daw ay wala siyang ama sa loob ng sampung taon na single mom ang nanay niya

-Sa YouTube video ni Morly Alinio ay sinabi ni Angelica na mismong ang anak niya ang nagsabing magsasalita na daw siya dahil future niya ang nakasalalay sa kanilang sitwasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naiyak si Angelica Jones sa mensahe ng anak niya na si Angelo sa biological father nito. Sa panayam ni Morly Alinio ay sinabi niyang pirmahan lang nito ang birth certificate niya at sana ay ituring siya nito bilang kanyang anak.

Read also

Angelica Jones, balak kasuhan ang ama ng anak: "Sana maging tatay ka"

Anak ni Angelica Jones sa kanyang ama: "You just need to sign my birth certificate"
Anak ni Angelica Jones sa kanyang ama: "You just need to sign my birth certificate" (MORLY ALINIO (ITO ANG TONDO)/YouTube)
Source: Youtube

Nabanggit pa ni Angelo na sampung taon daw ay ramdam niyang wala siyang ama. Naibahagi ni Angelica na pinigilan niya si Angelo na magsalita tungkol dito pero siya na daw ang nagsabing kailangan niya na magsalita tungkol sa isyu dahil future daw niya ang nakasalalay.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Angelica Banaag Alarva o mas kilala sa kanyang screen name na Angelica Jones ay isang singer at aktres na kinalaunan ay pumasok sa pulitika. Pinasikat niya ang awiting "Miss Flawless". Nagsilbi siya bilang Board Member sa 3rd district ng Laguna mula 2010 hanggang 2016 at mula 2019 hanggang 2022.

Sa panayam ni Morly Alinio, naglabas ng saloobin ang aktres na si Beverly Salviejo kay Pangulong Bongbong Marcos. Matatandaang si Beverly ay isa sa mga artistang sumuporta sa kampanya ni PBBM noong 2022. Subalit ngayo'y may panawagan si Beverly na sana'y sila naman umano ang mapansin ng kasalukuyang administrasyon. Gayunpaman, wala raw umano siyang pinagsisisihan sa kanyang napiling suportahan at nilarawan pa niyang 'pinakamahusay for the job' si PBBM.

Idinetalye naman ni Alfred Vargas ang maselang pagbubuntis ng kanyang misis na si Yasmine. Nabiyayaan na ng dalawang babae at isang lalaking anak sina Alfred at Yasmine at ngayong excited na silang makasama ang ikaapat. Ani Alfred, awang-awa siya sa kondisyon ng misis na may pagkakataong 12 na beses na sumusuka sa isang araw. Sa kabila nito, malaking bagay na naaasahan na umano nila ang kanilang mga anak sa pag-aalaga sa kanilang ina.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel