Angelica Jones, balak kasuhan ang ama ng anak: "Sana maging tatay ka"

Angelica Jones, balak kasuhan ang ama ng anak: "Sana maging tatay ka"

- Diretsahang sinabi ni Angelica Jones na handa siyang kasuhan ang ama ng anak niya dahil hindi raw nito pinirmahan ang birth certificate ng anak niya

- Aniya, dapat bigyan ng leksiyon ang ama ng anak niya dahil sa ginawa niya sa anak nila

- Nabanggit pa ni Angelica na sampung taon na siya ang sumuporta sa anak niya at wala namang kayamanang usapan

- Sa panayam ni Morly Alinio sa YouTube channel nito ay inihayag ni Angelica ang kanyang saloobin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Angelica Jones, kapag hindi pinirmahan ng ama ang birth certificate ng anak niya ay idedemanda niya ito. Aniya, kung ayaw nitong makulong ay ayusin ang problema at kausapin nito ang anak nilang si Angelo.

Angelica Jones, balak kasuhan ang ama ng anak: "Sana maging tatay ka"
Angelica Jones, balak kasuhan ang ama ng anak: "Sana maging tatay ka" (MORLY ALINIO (ITO ANG TONDO)/YouTube)
Source: Youtube

Wala naman daw kayamanang pinag-uusapan dahil sampung taon daw na siya ang nagsusustento at gumastos sa anak niya.

Read also

Anak ni Angelica Jones, hiling na ituring siyang anak ng kanyang ama

Aniya noong buhay pa ang mga magulang ng ama ng anak niya ay pinakiusapan siya ng mga ito na huwag kakasuhan ang anak nila. Sinunod naman ito ni Angelica dahil malapit din ang kanyang anak sa mga lolo at lola nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Angelica Banaag Alarva o mas kilala sa kanyang screen name na Angelica Jones ay isang singer at aktres na kinalaunan ay pumasok sa pulitika. Pinasikat niya ang awiting "Miss Flawless". Nagsilbi siya bilang Board Membersa 3rd district ng Laguna mula 2010 hanggang 2016 at mula 2019 hanggang 2022.

Sa panayam ni Morly Alinio, naglabas ng saloobin ang aktres na si Beverly Salviejo kay Pangulong Bongbong Marcos. Matatandaang si Beverly ay isa sa mga artistang sumuporta sa kampanya ni PBBM noong 2022. Subalit ngayo'y may panawagan si Beverly na sana'y sila naman umano ang mapansin ng kasalukuyang administrasyon. Gayunpaman, wala raw umano siyang pinagsisisihan sa kanyang napiling suportahan at nilarawan pa niyang 'pinakamahusay for the job' si PBBM.

Read also

Gigi De Lana, umabot sa puntong sinisi ang sarili sa pagkakasakit ng ina

Idinetalye naman ni Alfred Vargas ang maselang pagbubuntis ng kanyang misis na si Yasmine. Nabiyayaan na ng dalawang babae at isang lalaking anak sina Alfred at Yasmine at ngayong excited na silang makasama ang ikaapat. Ani Alfred, awang-awa siya sa kondisyon ng misis na may pagkakataong 12 na beses na sumusuka sa isang araw. Sa kabila nito, malaking bagay na naaasahan na umano nila ang kanilang mga anak sa pag-aalaga sa kanilang ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel