Kris Aquino sa nagsabing nakarma siya: "Illness isn’t karma"

Kris Aquino sa nagsabing nakarma siya: "Illness isn’t karma"

- Sinagot ni Kris Aquino ang isang netizen na nagkomento sa kanyang post kung saan ibinahagi niya ang kanyang mensahe para kay Deo Endrinal

- Ayon sa netizen, masama daw ugali ni Kris kaya daw siguro ay nakarma ito

- Sagot ni Kris, hindi naman siya nanghuhusga sa taong hindi naman niya kilala nang personal

- Hindi din daw karma ang pagkakasakit kundi paraan na maipakita ang pananampalataya

Sinagot ni Kris Aquino ang isang netizen na nagsabing masama daw ugali niya kaya siguro siya nakarma. Ani Kris, hindi niya itinuturing na karma ang pagkakasakit niya.

Kris Aquino sa nagsabing nakarma siya: "Illness isn’t karma"
Kris Aquino sa nagsabing nakarma siya: "Illness isn’t karma"
Source: Instagram

Sa kanyang post para bigyang pugay ang namayapang si Deo Endrinal, inamin niya ang tungkol sa kanilang tampuhan.

Sinagot ni Kris ang komento ng netizen na ito at sinabi niyang hindi naman siya nanghuhusga sa taong hindi naman niya kilala nang personal.

Read also

Kris sa panibagong gamutan: "Pwedeng tumigil na lang 'yung pagtibok ng puso ko"

Para daw sa kanya, paraan na maipakita ang pananampalataya ang kanyang pagkakasakit.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

obviously not as awful as yours because i’ve made a conscious effort to not judge people i’ve never met nor had a personal encounter with. Illness isn’t karma- it’s God’s way of using my trials to show that FAITH does heal in His time. Wishing you ☮️ and
Kris Aquino sa nagsabing nakarma siya: "Illness isn’t karma"
Kris Aquino sa nagsabing nakarma siya: "Illness isn’t karma"
Source: Instagram

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas .

Read also

Aga Muhlach sa kanyang timbang: "Hindi normal 'yun, hindi ako masaya 'dun"

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate