Toni Fowler binahagi ang video nila ni Papi: "Sayang lang boses ko walang tf"
- Binahagi ni Toni Fowler ang isang video kung saan inalalayan niya si Papi Galang nang magka anxiety attack ito
- Kinantahan pa niya ito at hinahagod ang tiyan dahil kuha ang video noong 2023 nang hindi pa nanganganak si Papi
- Sa bagong post ni Toni, nakalagay sa caption na sayang daw ang kanyang boses dahil walang tf
- Matatandaang bago lumipat ng bahay si Papi kasama ang kanyang pamilya ay nagkasagutan ang magkaibigan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Napa-throwback si Toni Fowler ng video nila ni Papi Galang. Makikita sa video na ito ang kanyang pag-alalay kay Papi nang magka anxiety attack ito.
Ani Toni, sayang ang kanyang boses dahil walang tf. Matatandaang nagkasagutan sina Toni at Papi kamakailan bago lumipat si Papi ng bahay kasama ang kanyang mag-aama. Sinabi ni Papi na napapagod na siya sa pangingialam sa kanya nina Toni sa lahat ng bagay.
Maging ang ate ni Toni na si Mari Fowler ay nakasagutan din ni Papi.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.
Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.
Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.
Source: KAMI.com.gh