Claudine Barretto sa perang gusto nyang bawiin: "We're talking about hundreds of millions"

Claudine Barretto sa perang gusto nyang bawiin: "We're talking about hundreds of millions"

- Binahagi ni Claudine Barretto sa panayam sa kanya ni Luis Manzano ang tungkol sa pinaglalaban niya ngayon na aniya ay para sa kanyang mga anak

- Bukod sa properties ay nabanggit niya ang tungkol sa pera niya na aniya ay umabot sa daang miyong piso na gusto niyang bawiin

- Kwento pa niya P25,000 pesos lang ang itinira sa kanya gayong malaki ang kanyang naipon lalo noong active pa siya sa showbiz

- Nilinaw niyang dahil hindi daw natutupad ang sustento kaya niya nilalaban ang perang nawala sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Claudine Barretto sa panayam sa kanya ni Luis Manzano sa Luis Listens ang tungkol sa pinaglalaban niyang pera na gusto niyang mabawi para sa kanyang mga anak. Aniya, sa laki ng perang kanyang naipon ay P25,000 lang ang iniwan sa kanya.

Read also

Mikee Morada, inaming hindi nagustuhan ang bagong ilong ni Alex Gonzaga

Claudine Barretto sa perang gusto nyang bawiin: "We're talking about hundreds of millions"
Claudine Barretto sa perang gusto nyang bawiin: "We're talking about hundreds of millions"
Source: Youtube

Nabanggit din ni Claudine na maging ang bahay ay gustong kunin. Aniya, nabili niya yung lupa noong may ginawa siyang teleserye.

Binalik daw sa kanya noong magkasama pa sila ay pitong milyon.

Kukunin ko na kung ano yung dapat sa'kin. Maglabasan na tayo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Napaliwanag naman daw ni Claudine sa kanyang mga anak ang tungkol sa kanyang naging pasya na idaan na sa legal ang pagbawi ng mga bagay na dapat ay para sa kanila.

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Read also

Liza Soberano sa kanyang 26th birthday: "Thank you everyone for the loving messages"

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuport ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel