Mikee Morada, inaming hindi nagustuhan ang bagong ilong ni Alex Gonzaga

Mikee Morada, inaming hindi nagustuhan ang bagong ilong ni Alex Gonzaga

- Naitanong ni Alex Gonzaga sa asawang si Mikee Morada kung nagustuhan daw nito ang bagong ilong niya

- Hindi ang naging sagot ni Mikee dahil aniya ay hindi naman na kailangan pero kung masaya naman ang kanyang asawa ay okay lang sa kanya

- Truth naman ang naging resulta ng sagot ni Mikee sa tanong na ito ni Alex base sa lie detector

- Isa lang ito sa naging tanong sa kanya ni Alex nang sumalang sila sa lie detector test na naibahagi sa vlog ni Viy Cortez

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Mikee Morada na hindi niya nagustuhan ang bagong ilong ni Alex Gonzaga. Sa pagsalang nila sa lie detector test sa vlog ni Viy Cortez, sinabi ni Mikee na hindi naman na sana kailangan magpaayos ni Alex ng ilong pero aniya kung saan masaya ang kanyang asawa ay okay lang sa kanya.

Read also

Vice Ganda, binuking si Darren pag nanonood sila ng concert: "Binibilangan niya yung performer"

Mikee Morada, inaming hindi nagustuhan ang bagong ilong ni Alex Gonzaga
Mikee Morada, inaming hindi nagustuhan ang bagong ilong ni Alex Gonzaga
Source: Youtube
Maganda siya pero hindi kailangan pero kung masaya ka, gusto mo, okay lang.

Ito ang naging paliwanag ni Mikee sa kanyang sagot na lumabas namang truth sa lie detector test.

Biro naman ni Viy, patanggal na daw ni Alex at sinagot naman ni Mikee ay hindi na at baka magulo pa lalo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel