Vice Ganda, binuking si Darren pag nanonood sila ng concert: "Binibilangan niya yung performer"

Vice Ganda, binuking si Darren pag nanonood sila ng concert: "Binibilangan niya yung performer"

- Nakwento ni Vice Ganda ang aniya'y ginagawa ni Darren Espanto kapag nanonood sila ng concert

- Ani Vice, nagugulat siya na pasimple daw itong bumibilang tuwing nakakarinig ng sabit tuwing kumakanta ang performer

- Nagtatawanan daw sila at minsan ay sinasabi pa daw nito na i-gong mo na

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Kabilang si Darren sa madalas na hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime

Binuking ni Vice Ganda na binibilangan daw ni Darren Espanto ang performer kapag nanonood sila ng concert. Pasimple daw itong nagbibilang kapag nakakarinig siya ng sablay sa pagkanta ng performer.

Vice Ganda, binuking si Darren pag nanonood sila ng concert: "Binibilangan niya yung performer"
Vice Ganda, binuking si Darren pag nanonood sila ng concert: "Binibilangan niya yung performer"
Source: Youtube

Sa isang segment ng It's Showtime ay nakwento ni Vice Ganda ito at nagkataon namang wala si Darren. Kaya naman, sa post na binahagi ng ABS-CBN sa Instagram ay napa-komento si Darren.

Read also

Ivana, happy sa kanyang love life: "Feeling ko malapit na, pwede nang mag-asawa. Char!"

Bilang isa sa madalas na hurado sa Tawag ng Tanghalan ito ang ginagawa ni Darren kaya ayon sa mga netizens, malamang ay nasanay lang ito. Narito ang ilang komento:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Once a hurado, always a hurado @darrenespanto
Reveal na po @darrenespanto ahahhaha
Hahahahahaha mahirap talaga pag absent Darren di mo maipagtanggol sarili mo.. ikaw tuloy pulutan nila

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Sharon Cuneta: "Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami so okay na kami"

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel