Ivana, happy sa kanyang love life: "Feeling ko malapit na, pwede nang mag-asawa. Char!"

Ivana, happy sa kanyang love life: "Feeling ko malapit na, pwede nang mag-asawa. Char!"

- Isiniwalat mismo ni Ivana Alawi ang happy ang buhay pag-ibig niya ngayon

- Aniya, non-showbiz ang nagpapatibok ng puso na hindi niya rin muna pinangalanan

- Ayon pa sa Batang Quiapo actress, selosa siya kaya't tila malabo na magkaroon siya ng karelasyong artista

- Pabiro niyang nasabi ang tungkol sa pagpapakasal subalit pagtuntong na raw siguro niya sa edad na 30

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isiniwalat ni Ivana Alawi ang tungkol sa lagay ng kanyang buhay pag-ibig ngayon.

Ivana, happy sa kanyang love life: "Feeling ko malapit na, pwede nang mag-asawa. Char!"
Ivana, happy sa kanyang love life: "Feeling ko malapit na, pwede nang mag-asawa. Char!" (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Aniya, masaya ang kanyang puso dahil sa nagpapatibok nito.

"My heart is happy. Ayaw ko namang sabihin na super happy kasi siyempre start pa lang so, happy."

Hindi man pinangalanan pero nasabing non-showbiz ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Alden, pagod na sa gender issue: "Tingin niyo bading? Fine! Wala na bang iba?"

"Non-showbiz. Selosa kasi ako. So hindi magwo-work 'pag showbiz. Saka magulo. Gusto ko ng private relationship."

Nilarawan din niya ito at sinabi ang mga nagustuhan sa nagpapasaya ng kanyang puso.

"Alam mo ang nagustuhan ko? Wala siyang kayabang-yabang. Saka, kasi ang number one na nakaka-turnoff sa'kin 'yung mayabang. Ayaw ko ng ganun. And super blessed and si happy. Feeling ko... malapit na, pwede nang mag-asawa. Char!" pagbibiro ni Ivana na sinabing edad 30 niya nakikita ang sarili na magpakasal kung sakali.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Ivana mula sa TV Patrol, ABS-CBN YouTube:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.6 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Read also

Sharon Cuneta: "Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami so okay na kami"

Isa rin sa kinatuwa ngayon ng fans ni Ivana ay ang pagkakasama nito ngayon sa cast ng Batang Quiapo. Gumulantang sa publiko ang kanyang paglabas sa naturang serye bilang si Bubbles. Minsan na ring naikwento ni Ivana na masaya siya sa Batang Quiapo kung saan siya napapasabak sa mga action scenes.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel