Alden, pagod na sa gender issue: "Tingin niyo bading? Fine! Wala na bang iba?"

Alden, pagod na sa gender issue: "Tingin niyo bading? Fine! Wala na bang iba?"

- Nagbigay pahayag si Alden Richards patungkol sa paulit-ulit na naibabatong gender issue sa kanya

- Ito ang naisagot niya nang matanong siya ni Toni Gonzaga ng "What are you tired hearing about?"

- Tila napakadali umanong mahusgahan

- Napag-usapan din nila ang tungkol sa hindi pa rin humuhupang crazy rumors sa kanila ni Maine Mendoza

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay ni Alden Richards sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga ay ang tungkol sa gender issue na madalas maikabit sa kanya.

Alden, pagod na sa gender issue: "Tingin niyo bading? Fine! Wala na bang iba?"
Alden Richards
Source: Instagram

Ito ang kanyang sagot sa tanong ni Toni na "What are you tired hearing about?"

"Sa gender issue, tingin niyo ganu'n? Fine. Tingin niyo bading? Fine. Ang iniisip ko nga minsan kapag may gan'ung mga rumors, 'wala na ba iba?'" ani Alden.

"'Yung judgment call sa gender ng mga kalalakihan sa industriya natin, ang dali just because of that fact," dagdag pa niya.

Read also

Alden sa crazy rumors ng Aldub: "I'm at a point na, masaya po sila 'dun e"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinang-ayunan naman nito ni Toni at sinabing madaling mahusgahang bading ang mga male celebrities kung walang ipinakikilalang girlfriend ang mga ito.

Subalit paliwanag ni Alden, masaya siya sa tinatamasa at ginagawa ngayon at darating umano ang takdang panahon para rito.

"I am happy. Perfectly happy with what I have. What I'm able to do at the moment. I seize every opportunity. Sayang. There's time for that."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Toni Gonzaga Studios YouTube:

Si Alden Richards ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nakilala siya sa pagiging isang host ng Eat Bulaga kung saan nabuo ang love team nila noon ni Maine Mendoza, ang Aldub. Subalit dalawang taon ding namahinga si Alden sa programa at pansamantalang nakabalik noong Marso. Subalit muli na naman siyang nawala roon dahil na rin sa paglisan ng mga orihinal na host nito.

Read also

Alden, nakwento ang pagiging brokenhearted: "Start of 2023, first three months of it"

Kamakailan, bumida muli si Alden sa pelikulang kasama niya sa Julia Montes. Ito ang pagbabalik pelikula ni Alden kung saan iba naman ang kanyang kapareha. Matatandaang pumatok sa takilya ang pelikula nilang Hello, Love, Goodbye ni Kathryn Bernardo.

Samantala,sa naturang interview sa kanya ni Toni Gonzaga, napag-usapan din nila ang umano'y mga crazy rumors na hanggang ngayon ay naiuugnay sa kanila ng dating ka-love team na si Maine Mendoza. Inakala niyang matatapos na ito nang maiksal si Maine kay Arjo Atayde subalit may ilang fans pa rin na nagsasabing sila umano ni Maine ang ikinasal at nagkaroon pa ng anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel