Liza Soberano sa kanyang 26th birthday: "Thank you everyone for the loving messages"

Liza Soberano sa kanyang 26th birthday: "Thank you everyone for the loving messages"

- Nagbahagi ng ilang mga larawan si Liza Soberano sa pagdiriwang ng kanyang 26th birthday

- Kapansin-pansing kakaiba ang konsepto ng kanyang larawan kalakip ng pasasalamat niya sa lahat ng mga bumati sa kanyang kaarawan

- Aniya, isang taon na ang nakararaan nang kunan ang mga larawang ito at nagamit na rin niya sa wakas para sa kanyang kaarawan

- Ilan sa mga recent posts din ni Liza ay ang pagdiriwang nila ng Kapaskuhan kasama ang kanyang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi ng mga larawan si Liza Soberano sa kanyang Instagram sa pagdiriwang niya ng kanyang 26th birthday ngayong January 4.

Liza Soberano sa kanyang 26th birthday: "Thank you everyone for the loving messages"
Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Instagram

Kapansin-pansin ang konsepto ng mga larawan kung saan may hawak si Liza na birthday cake.

Aniya, kuha ito isang taon na ang nakalipas at nagkaroon na raw siya ngayon ng dahilan kung saan magagamit ang mga ito.

Read also

Anim na taong gulang, tini-text pa rin ang yumaong ina: "6 na ako ma"

"Been holding on to these amazing concept photos I shot with the incredible @shairaluna a year ago."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinasalamatan din ni Liza ang mga bumati sa kanyang espesyal na araw.

"Thank you everyone for the loving messages. Grateful for everyone who makes me feel special by showing their love and support today and everyday!"

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Liza Soberano na ngayo'y tinatawag din bilang si Hope Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Read also

Andrea Brillantes, nag-post ng New Year message: "I am grateful for everything"

Kamakailan, gumawa ng ingay ang ama ni Liza nang ibahagi ni Ogie ang post nito kung saan natapos siyang murahin, sinabihan pa umano siyang bumalik na lamang sa pagtitinda ng turon. Ito ay sa panahong mainit ang pagputok ng kumpirmasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng kanilang hiwalayan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel