Jennica Garcia, naantig sa painting ng anak: "We are whole"

Jennica Garcia, naantig sa painting ng anak: "We are whole"

- Binahagi ni Jennica Garcia ang kanyang napagtanto sa binigay na painting ng kanyang mga anak sa kanya

- Ang kanyang bunsong anak na si Alessi ay gumuhit ng painting kung saan magkakasama silang mag-iina

- Ani Jennica, hindi niya ito tinuruan dahil gusto niya makita kung ano ang maiisip ng anak niyang iguhit

- Napagtanto daw niya sa drawing ng anak na hindi sila broken family kahit tatlo lang sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naantig si Jennica Garcia sa painting ng anak niyang si Alessi na ayon daw sa anak ay picture ng kanilang family. Napagtanto daw niya sa drawing ng anak na hindi sila broken family.

Jennica Garcia, naantig sa painting ng anak: "We are whole"
Jennica Garcia, naantig sa painting ng anak: "We are whole"
Source: Instagram

Sa kanyang post ay binahagi ni Jennica ang aniya'y unguided artwork ng kanyang mga anak. Naantig siya sa drawing ng anak na rain, rainbow at silang mag-iina. Napagtanto daw niya na buo sila at hindi broken family.

Read also

Sharon Cuneta: "Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami so okay na kami"

Alessi’s painting made me realize that being a single mom with two children does NOT make us a broken family. We are WHOLE.

Nang ibigay daw ng anak niya ang painting, sinabi daw nito na iyon ang kanilang family.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Just like what Alessi said when she gifted me her painting, “Here Nanay, it’s my New Year gift for you. It’s OUR Family.”

Sa kanyang mensahe ay pinasalamatan niya rin ang lahat na nagpakita ng pagmamahal at suporta sa kanilang mag-iina.

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Read also

Anabelle Rama: "Sana next year makabalik kami na kumpleto ang family"

Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel