Xyriel Manabat sa nanay niyang nagtinda ng itlog na maalat: "Yan ang marketing"

Xyriel Manabat sa nanay niyang nagtinda ng itlog na maalat: "Yan ang marketing"

- Kinaaliwan ang reaksiyon ni Xyriel Manabat sa post ng kanyang mama na nagbenta ng organic salted egg

- Sa kanyang post ay nilagay niya ang screenshot ng viral na eksena ni Xyriel sa seryeng 'Senior High' kung saan sinabi niyang pinagpalit siya ng boyfriend sa itlog na maalat

- Natawa si Xyriel sa post na ito ng kanyang mama at napabilib sa marketing strategy ng ina

- Matatandaang ang naturang eksena ay ang breakup scene nila ni Tim na ginagampanan ni Zaijian Jaranilla

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Xyriel Manabat ang post ng kanyang mama tungkol sa binibenta nitong itlog na maalat. Sa post ng kanyang mama ay nilagay nito ang screenshot mula sa viral na breakup scene nina Roxy (Xyriel) at Tim (Zaijian Jaranilla) sa seryeng Senior High.

Read also

Video ng pagkikita nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa isang event, viral

Xyriel Manabat sa nanay niyang nagtinda ng itlog na maalat: "Yan ang marketing"
Xyriel Manabat sa nanay niyang nagtinda ng itlog na maalat: "Yan ang marketing"
Source: Instagram

Natawa si Xyriel sa post na ito ng kanyang mama at napabilib sa marketing strategy ng ina.

Xyriel Manabat sa nanay niyang nagtinda ng itlog na maalat: "Yan ang marketing"
Xyriel Manabat sa nanay niyang nagtinda ng itlog na maalat: "Yan ang marketing"
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami naman ang natawa sa post na ito ng ina ng aktres.

Matatandaang ang naturang eksena ay ang breakup scene nila ni Tim na ginagampanan ni Zaijian Jaranilla. Bahagi ng linya ni Xyriel ay pinagpalit daw siya sa itlog na maalat matapos sabihin ni Tim na special yung halik ng taong kanyang nakahalikan.

Si Xyriel Manabat o Xyriel Anne Bustamante Manabat sa totoong buhay ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol noong taong 2009 kung saan tinanghal siyang 3rd placer.

Lalong nakilala si Xyriel dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Agua Bendita, Momay at 100 Days To Heaven.

Read also

Sarah Lahbati, ibinahagi ang kanyang bagong sasakyan

Matatandaang Enero noong nakaraang taon nang ibahagi ni Xyriel ang ilang pictures niya sa kanyang 18th birthday. Sa kanyang pagdiriwang ng kanyang ika-18 taong kaarawan, bumuhos ang pagbati hindi lamang mula sa mga tagahanga niya kundi mula sa mga kasamahan niya sa industriya. Hindi man siya aktibo sa showbiz ng ilang taon, nanatiling hot topic si Xyriel lalo na nang mag-viral ang kanyang mga pictures.

Sa social media post ni Xyriel kung saan sinabi niyang nagawa niya ang isa sa kanyang 2021 bucketlist, marami ang nag-tag kay Senyora. Dahil dito ay nag-react si Senyora at makikita ang kanyang "angry" react sa post ni Xyriel sa Facebook. Kasunod nito ay ibinahagi niya ang komento ni Xyriel kaugnay sa kanyang mensahe tungkol sa kung paano nabago ang kanyang pananaw sa aktres. Aniya, paborito daw niya ito dati sa seryeng "100 Days to Heaven" ngunit hindi na daw niya paborito si Xyriel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel