Yeng Constantino, ipinasilip ang sariling beach house sa Zambales

Yeng Constantino, ipinasilip ang sariling beach house sa Zambales

- Ipinasilip ni Yeng Constantino ang kanilang beach house sa Zambales

- Bago mag-pandemic, nabili nila ito ng kanyang mister na si Victor Asuncion

- Sa ngayon, rest house ito ng kanilang pamilya at hindi pa umano bukas sa publiko

- Ani Yeng, isa lamang ito sa kanilang mga properties na kanilang nabili upang masigurong may makabuluhang napupuntahan ang kanilang kinikita

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpaunlak si Yeng Constantino kay Karen Davila na ipasilip ang sarili niyang beach house sa Zambales.

Yeng Constantino, ipinasilip ang sariling beach house sa Zambales
Yeng Constantino (Karen Davila YouTube)
Source: Youtube

Kasama ang kanyang mister na si Victor Asuncion, ipinakita ni Yeng ang ilang kwarto at ilang bahagi ng beach house na sila mismong mag-asawa ang nag-ayos, namili, at gumawa ng ilang mga handicrafts.

Kwento ni Yeng, dala umano ng pagiging kuripot at dating karanasan kung saan aminadong nagigipit noon sa pera, nakabibili siya ngayon ng mga properties bagay na ginagawa nilang mag-asawa upang masiguro na rin ang kanilang hinaharap.

Read also

Karen Davila, aminadong kinilig nang marinig ang kanyang pangalan sa bagong kanta ni Yeng

"Dati pangarap ko lang 'to, nagawa natin paunti-unti. So kahit parang lego na binubuo natin, andito na kami now."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanilang larangan bilang singers, tila wala umano silang kasiguraduhan hanggang kailan ang kanilang kasikatan kaya naman pinaghahandaan nila ang kanilang kinabukasan.

"So lahat ng kikitain natin sa iba nating negosyo saka sa trabaho ko gagawin natin invest lang tayo ng invest. Hanggang ngayon nag-a-acquire po kami ng properties," ani Yeng.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Karen Davila:

Si Yeng Constantino ay isang kilalang singer sa bansa na nakilala matapos niyang manalo at tinanghal na "Grand Star Dreamer" sa Pinoy Dream Academy. Ikinasal siya kay Yan Asuncion noong February 14, 2015 sa isang resort sa Tagaytay, Cavite. Kamakailan ay pinasilip ni Yeng ang kanyang simpleng buhay kasama ang mister sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit isang milyong subscribers.

Read also

Diana Zubiri, emosyonal na nagkwento bago bumalik sa Pilipinas

Sa naging panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento ni Yeng ang umano'y dahilan bakit hindi pa rin umano siya nagbubuntis. Walaong taon na silang kasal ng kanyang mister subalit hindi pa rin umano siya handang magkaroon ng anak.

Kamakailan ay naiulat na pagmamay-ari na ni Yeng ang lahat ng kanyang naisulat na awitin na dati'y nasa pamamahala ng Star Magic. Aminado itong naging emosyonal sa pamamaalam sa Star Magic. Nagawa umano niya ito bilang paghahanda sa kanyang kinabukasan at ma-secure ang kanya umanong retirement balang araw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel