Diana Zubiri, emosyonal na nagkwento bago bumalik sa Pilipinas

Diana Zubiri, emosyonal na nagkwento bago bumalik sa Pilipinas

- Emosyonal na nagkwento si Diana Zubiri sa kanyang vlog bago sila umuwi sa Pilipinas

- Doon nabanggit ni Diana ang tungkol sa buhay nilang mag-anak sa Australia

- Isa rin sa nais niya umanong gawin sa pagbabalik sa bansa ay ang pagdalaw sa kanyang daddy na pumanaw na

- Aniya, nang mangyari ito kasalukuyan siya noong nasa bakasyon at hindi siya basta nakauwi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi naiwasang maging emosyonal ni Diana Zubiri nang magkwento ito tungkol sa pagnanais niyang makauwi sa Pilipinas.

Diana Zubiri, emosyonal na nagkwento bago bumalik sa Pilipinas
Diana Zubiri (@dianazubirismith)
Source: Instagram

Kanya itong naibahagi bago siya makauwi sa Pilipinas kamakailan lamang para isurpresa ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Ani Diana, may maganda at mahalagang dahilan ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas.

"Tuwing naaalala ko, nagiging emotional ako. Kasi during my time here na nandito ako. Medyo may comparison syempre ang daming nagtatanong sa'kin, o anong nami-miss mo sa ano, sa Pilipinas. Hindi mo ba nami-miss yung pagpeperform mo? Syempre, ang hirap actually sagutin niyan. Kasi I don't want to choose, between my family and my work 'di ba? Ayoko pong pumili. Ayoko naman ding sabihin na igi-give up ko yung family ko kung babalik ako sa Pilipinas. So if ever po na ako naman ay uuwi, You know, It's because may magandang dahilan. Mahal po ang ticket para umuwi ka lang ng ganun."

Read also

Vilma sa noo'y kinasangkutang isyu ni Luis: "'Yung mga bumiktima sa kanya, tinuring kong mga anak"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naikwento rin niya ang tungkol sa ama na nais niyang madalaw gayung hindi sila basta nakauwi noong ito'y pumanaw.

"Isa sa masakit sakin na hindi ko nagawa at that time, Nung umuwi ako na siguro dahil namatay yung daddy ko."
"Kasi nga hindi kami masyadong close, Hindi kami masyadong okay. But at that time I don't have the means to come home. Kasi nung namatay siya, nasa bakasyon kami."
"So isa yun sa masaklap na nangyari. Siguro kung magkakaroon naman tayo ng chance na dumalaw, gagawin natin yan sa tamang panahon"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag ni Diana Zubiri mula sa kanyang YouTube channel:

Si Diana Zubiri ay dating aktres sa Pilipinas na ang totoong pangalan ay Rosemarie Joy Garcia-Smith. Bukod sa mga pelikula, may nakilala siya bilang si Danaya na isa sa mga Sanggre sa Encantadia.

Read also

Cristy kay Paolo Contis: "Talagang pagbibintangan siyang sobrang palikero"

Makalipas ang apat na taon, nakauwi na muli si Diana sa Pilipinas mula sa Australia kung saan sila naglalagi ng kanyang pamilya. Doon, kasama niya ang asawang si Andy Smith at kanilang tatlong anak.

Sa kanyang mga bagong vlog sa kanyang YouTube channel, naikwernto ni Diana ang ilang detalye tungkol sa pagbabalik nila sa Pilipinas. Ilan dito ay ang pagsurpresa nila sa kanilang pamilya at mga kaibigan na hindi talaga inaasahan ang kanilang pagbabalik. Matatandaang kamakailan lang ay naging panauhin si Diana ng It's Showtime kung saan nakasama din niya ang orihinal na mga Sangre' na sina Karylle, Sunshine Dizon at Iza Calzado.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel