Vilma sa noo'y kinasangkutang isyu ni Luis: "'Yung mga bumiktima sa kanya, tinuring kong mga anak"

Vilma sa noo'y kinasangkutang isyu ni Luis: "'Yung mga bumiktima sa kanya, tinuring kong mga anak"

- Nagkaroon ng pagkakataong matanong ni Cristy Fermin si Vilma Santos tungkol sa kinasangkutang isyu ni Luis Manzano

- Aminadong nasaktan umano si Vilma sa pangyayaring ito lalo na at itinuring niyang mga anak ang umano'y nambiktima kay Luis

- Gayunpaman, malaki ang pasasalamat niya na acquitted ang anak sa kontrobersya patunay na wala itong ginawang masama

- Napag-alaman niyang may record umano ang mga nagrereklamo noon laban kina Luis

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa Showbiz Now Na! Ang Rebelasyon natanong ni Cristy Fermin ang nag-iisang Star for all seasons na si Vilma Santos tungkol sa saloobin nito sa umano'y pagkakasangkot ng kanyang anak na si Luis Manzano sa syndicated estafa complaint sa mga ehekutibo ng Flex Fuel.

Vilma sa noo'y kinasangkutang isyu ni Luis: "'Yung mga bumiktima sa kanya, tinuring kong mga anak"
Vilma Santos (@rosavilmasantodrecto)
Source: Instagram

Aminado si Vilma na masakit sa kanyang kaooban nangyari lalo na at matagal nang napalapit sa kanya ang mga umano'y nambiktima sa kanyang anak.

Read also

Vilma Santos, labis ang pagkagiliw sa apo: "Lalo na sa personal, ang ganda-ganda niya"

"Maasyadong masakit ang naramdaman ko noon. Kasi unang-una, kilala ko 'yung anak ko and alam ko kung saan nanggagaling dahil yung mga taong bumiktima sa kanya, tinuring ko ring mga anak. Imagine magkaklase pa sila elementary. I mean kilala niyo rin kung sino kayo. So nagdi-dinner yun sa amin every other week. Parang tinuring kong mga anak. I didn't expect na kaya nilang gawin yun sa anak ko lalo na kay Lucky... Ginamit ang pangalan"

Gayunpaman, laking pasasalamat niya nang malinis ang pangalan ni Luis na naabswelto sa naurang reklamo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"God is good. Acquitted siya. We're still blessed and my son is still blessed."

Napag-alaman din ni Vilma na may record na rin ang mga umano;y nagreklamo sa grupong kinasangkutan ni Luis.

"Yung mga nagreklamo, may mga record din pala. Kung pagbabatayan mo 'yung credibility e may kaso rin pala. I'm just being truthful. Hanggang 'dun na lang"

Read also

Cristy kay Paolo Contis: "Talagang pagbibintangan siyang sobrang palikero"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Vilma mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Vilma Santos Recto ay isa sa mga batikan at respetadong aktres sa Pilipinas. Siya ang tinaguriang "Star For All Seasons" sa showbiz. Si Vilma ang ina ng kilalang aktor at TV host na si Luis Manzano. Ikinasal si Vilma kay dating senator at ngayo'y Deputy Speaker of the House of Representatives of the Philippines na si Ralph Recto noong 1992. Nabiyayaan sila ng isang anak na si Ryan. Pinasok din ni Vilma ang mundo ng public service sa lugar nila sa Batangas.

Samantala, labis ang kasiyahan ni Vilma nang mabiyayaan na rin siya ng apo na si Baby Peanut, ang anak nina Luis at Jessy Mendiola. Madalas niyang maibida ang apo lalo na kapag kanila itong nakakasama.

Sa ngayon, excited ang mga Vilmanian sa bagong pelikula ng kanilang idolo na "When I met you in Japan." Ito ay isang Metro Manila Film Festival entry kung saan makakasama niya si Christopher De Leon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel