Vilma Santos, labis ang pagkagiliw sa apo: "Lalo na sa personal, ang ganda-ganda niya"

Vilma Santos, labis ang pagkagiliw sa apo: "Lalo na sa personal, ang ganda-ganda niya"

- Labis ang pagkagiliw ni Vilma Santos sa kanyang apo na si Isabella Rose

- Ani Ate Vi, artistahin talaga ang kanyang apo lalo na kapag makikita raw ito sa personal

- Marunong na rin daw umano ito sa camera kaya naman labis niya itong kinagigiliwan

- At tulad nang komento ng marami, kamukha nga raw niya ito gayung marami silang pagkakatulad ni Baby Peanut

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Labis-labis ang pagkagiliw ng nag-iisang Star for all Seasons na si Vilma Santos sa kanyang una at nag-iisang apo na si Baby Isabelle Rose o mas kilala sa tawag nilang 'Baby Peanut.'

Vilma Santos, labis ang pagkagiliw sa apo: "Lalo na sa personal, ang ganda-ganda niya"
Vilma Santos (@rosavilmasantosrecto)
Source: Instagram

"Lalo na sa personal, ang ganda-ganda niya. Alam mo kasi ang ganda niya when you see her in person, very fine. 'Yung ganda niya hindi yung sharp. 'Pag tinitigan mo siya, fragile na fragile," paglalarawan ni Momsy Vilma sa kanyang Baby Peanut.

Read also

Vilma sa noo'y kinasangkutang isyu ni Luis: "'Yung mga bumiktima sa kanya, tinuring kong mga anak"

Napansin din umano niyang marunong na sa camera ang kanyang apo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Tapos artista pa, marunong sa camera. Flirting with the camera. Sabi ko may pinagmanahan. Kaliwete pa, parang si Momsy. Curly hair pa parang si Momsy. Sabi ko, oh my God artista ang apo ko," na tila pagkumpirma rin ni Ate Vi sa komento ng karamihan na kamukha niya ang kanyang apo.

Narito ang masayang kwentuhan nila ni Cristy Fermin mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Vilma Santos Recto ay isa sa mga batikan at respetadong aktres sa Pilipinas. Siya ang tinaguriang "Star For All Seasons" sa showbiz. Si Vilma ang ina ng kilalang aktor at TV host na si Luis Manzano. Ikinasal si Vilma kay dating senator at ngayo'y Deputy Speaker of the House of Representatives of the Philippines na si Ralph Recto noong 1992. Nabiyayaan sila ng isang anak na si Ryan. Pinasok din ni Vilma ang mundo ng public service sa lugar nila sa Batangas.

Read also

Antonette Gail, ibinida ang glow up niya matapos ang 5 weeks mula nang magpa-lipo

Samantala, labis ang kasiyahan ni Vilma nang mabiyayaan na rin siya ng apo na si Baby Peanut, ang anak nina Luis at Jessy Mendiola. Madalas niyang maibida ang apo lalo na kapag kanila itong nakakasama.

Sa ngayon, excited ang mga Vilmanian sa bagong pelikula ng kanilang idolo na "When I met you in Japan." Ito ay isang Metro Manila Film Festival entry kung saan makakasama niya si Christopher De Leon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel