Vilma Santos, hataw sa 'Ting, ting, tang, tang' dance kasama sina Bobot, Pip at Boyet

Vilma Santos, hataw sa 'Ting, ting, tang, tang' dance kasama sina Bobot, Pip at Boyet

- Game na game na sumayaw si dating Batangas Governor Vilma Santos ng patok na dance craze ngayon ang 'Ting, ting, tang, tang'

- Sa Some kind of Valentine concert kung saan naroon sina Bobot, Pip at Boyet naimbitahan nila sa entablado ang nag-iisang Star for all Seasons

- Maging si Christopher De Leon ay napa-indak din kasama ni "Ate Vi"

- Matatandang labis-labis talaga ang kasiyahan ngayon ni Ate Vi dahil sa pagkakaroon niya ng unang apo kay Luis Manzano

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Talagang walang inuurungan ang nag-iisang 'Star for all Seasons', Vilma Santos. Maging sa pagsasayaw kasi ng mga latest TikTok dance craze ay talagang game na game niyang sinayaw.

Vilma Santos, hataw sa 'Ting, ting, tang, tang' dance kasama sina Bobot, Pip at Boyet
Vilma Santos, Edgar Mortiz at Christopher De Leon (Allan Diones)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na sa concert na 'Some kind of Valentine' nina Christopher De Leon, Edgar Mortiz at Tirso Cruz III, ay biglaang tinawag si dating Batangas governor para pumanhik sa entablado.

Read also

Japan Home Centre, tumanggap ng sibuyas bilang bayad ng customers

Hindi naman nagdalawang-isip ang Star for all Seasons at umakyat sa entablado. At nang tugtugin na nga ang sikat na sikat na dance craze ngayon ang 'Ting, ting, tang,tang' todo hataw na si 'Ate Vi.'

Maging ang kanyang mga kaibigan na sina 'Bobot, Pip at Boyet' ay napa-indak din dahil sa husay ni Ate Vi.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"This is on the spot... nahilingan to do Ting, Ting, Tang... look at her shoes, taas ng suot niya at nakasayaw siya so effortless, graceful.. OMG! I don't know how many times ko na ito pinanood. Ate Vi, you made me so happy watching you with the boys. Again Thank You Alan Diones for this video. Di mo lang alam kung gaanong karaming tao pinasaya mo"

Read also

Vice Ganda, inaming sablay sa joke niya kay Karylle: "Bawi po ako. Bawi right away"

"Grabe si ate V. Very graceful pa din mag dance!"
"Walang kupas pa Rin si Ate Vi. I really appreciate sa mga artista noon iyong professionalism nila no wonder they still stay in the limelight of popularity."
"Ang saya nilang panoorin na nasa iisang stage after all these years"

Narito ang kabuuan ng video na mula sa YouTube channel ni Allan Diones:

Kamakailan lamang ay masayang ipinakita na sa publiko nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang baby nilang si Isabella Rose.

Kaya naman labis-labis ang kasiyahan ng lola nitong si Vilma na super proud sa kanyang unang apo.

Si Vilma Santos ang isa sa mga respetadong aktres sa Pilipinas. Siya ay isa sa mga gumanap na Darna sa kanyang panahon. Tinagurian siyang 'Star for all Seasons.'

Nang mapahinga sa showbiz, naglingkod naman siya sa bayan kung saan ang pinakahuling posisyon niya ay bilang gobernador ng Batangas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel