Karen Davila, aminadong kinilig nang marinig ang kanyang pangalan sa bagong kanta ni Yeng

Karen Davila, aminadong kinilig nang marinig ang kanyang pangalan sa bagong kanta ni Yeng

- Nagsampol si Yeng Constantino ng awiting ilalabas niya sa susunod na taon

- Sinurpresa niya si Karen Davila dahil kasama sa lyrics ng kanyang awitin ang pangalan nito

- Nahiritan din ni Yemg si Karen na mag-cameo sa magiging music video nito

- Makikita kung gaano kasaya si Karen sa naturang awitin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagsampol si Yeng Constantino ng kanyang bagong awitin na ipalalabas sa susunod na taon.

Yeng, nag-sampol ng bagong ilalabas na kanta kung saan kasama sa lyrics si Karen Davila
Yeng Constantino, Victor Asuncion and Karen Davila (Karen Davila YouTube)
Source: Facebook

Hindi pa niya sana ito iparirinig subalit para kay Karen Davila, nagpaunlak ito ng ilang linya ng kanta.

Laking gulat ng news anchor nang marinig ang kanyang pangalan sa lyrics ng bagong awitin ni Yeng.

"Next year pa po ito ilalabas pero paparinig ko po sa inyo 'yung kanta," panimula ni Yeng

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Yeng Constantino, ipinasilip ang sariling beach house sa Zambales

"'Wag ako magaling ako parang espiya, matalim mata parang agila, mabangis parang may antenna, sumasagap balita parang Karen Davila," ang bahagi ng lyrics ng kanta ni Yeng na tila ikinakilig naman ni Karen.

"I am so kilig guys. Ang ganda 'nung kanta.It's such a nice song," ani Karen na pumayag pang mag-cameo sa magiging music video nito.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Karen Davila kay Yeng Constantino at mister nitong si Victor Asuncion:

Si Yeng Constantino ay isang kilalang singer sa bansa na nakilala matapos niyang manalo at tinanghal na "Grand Star Dreamer" sa Pinoy Dream Academy. Ikinasal siya kay Yan Asuncion noong February 14, 2015 sa isang resort sa Tagaytay, Cavite. Kamakailan ay pinasilip ni Yeng ang kanyang simpleng buhay kasama ang mister sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit isang milyong subscribers.

Sa naging panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento ni Yeng ang umano'y dahilan bakit hindi pa rin umano siya nagbubuntis. Walaong taon na silang kasal ng kanyang mister subalit hindi pa rin umano siya handang magkaroon ng anak.

Read also

Donnalyn Bartolome, kinaaliwan sa kanyang vlog na 'Billionaire for 1 day in Spain'

Kamakailan ay naiulat na pagmamay-ari na ni Yeng ang lahat ng kanyang naisulat na awitin na dati'y nasa pamamahala ng Star Magic. Aminado itong naging emosyonal sa pamamaalam sa Star Magic. Nagawa umano niya ito bilang paghahanda sa kanyang kinabukasan at ma-secure ang kanya umanong retirement balang araw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel