Ricci Rivero, ibinida ang pagtatangi kay Leren Mae Bautista: "Walang nang agaw at walang inagaw"

Ricci Rivero, ibinida ang pagtatangi kay Leren Mae Bautista: "Walang nang agaw at walang inagaw"

- Nag-post si Ricci Rivero ng isang mensahe kalakip ng picture nila ni Leren Mae Bautista

- Aniya, masaya siya na natagpuan niya ang aniya ay 'the right one' para sa kanya

- Sinabi niya rin na poprotektahan niya ito sa mga bagay na aniya ay hindi deserve ni Leren

- Nilinaw niyang walang nang-agaw at walang inagaw kaya hindi sila dapat magtago dahil alang dapat ikahiya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Ricci Rivero sa unang pagkakataon ng picture ni Leren Mae Bautista kalakip ng kanyang mensahe para sa aniya ay nakikita niyang 'real queen.' Nilinaw niyang wala silang dapat ikahiya kaya hindi sila magtatago.

Ricci Rivero, ibinida ang pagtatangi kay Leren Mae Bautista: "Walang nang agaw at walang inagaw"
Ricci Rivero, ibinida ang pagtatangi kay Leren Mae Bautista: "Walang nang agaw at walang inagaw"
Source: Instagram

Ani Ricci, blessed siya na mahanap ang right one para sa kanya at aniya ay poprotektahan niya ito.

To the girl who i see as a real QUEEN With all the wrongs hounding me , I’m blessed to have found the right one. Allow me to shield you from things you don’t deserve.

Read also

Andrea, naiyak sa kagustuhang makita ang idolong si Kylie Jenner sa Milan Fashion week

Binanggit niya rin na walang inagaw at walang nang-agaw kaya wala silang dapat ikahiya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya. Walang nang agaw at walang inagaw. Walang bibitaw dahil masaya tayong magka hawak kamay.

Pinuri niya rin si Leren na aniya ay tunay ang pagtulong sa tao sa kabila ng paninira sa kanyang reputasyon.

I love seeing how you genuinely continue to help and care for people everyday despite others trying to ruin your reputation. Rest assured I will be with you in inspiring people to always be better. Thank you for being so selfless and simple.

Si Ricci Paolo Uy Rivero o mas kilala bilang si bilang si Ricci Rivero ay isang Filipino basketball player. Nakilala siya sa kanyang performance sa UAAP Season 80 men's basketball tournament dahilan para siya'y mapabilang sa Mythical Five at makuha ang Most Improved Player award. Bukod sa basketball, isa rin siyang modelo at pinasok na rin niya ang mundo ng Showbiz.

Read also

Boss Toyo, tumangging ibenta ang Francis M collection niya sa halagang 8M

Matatandaang may lumalabas na bali-balita na bagong pasabog umano ang kampo ni Ricci Rivero ukol sa dating karelasyon na si Andrea Brillantes. Sinasabing may naiwang underwear si Andrea sa condo unit ni Ricci. Ani Cristy, maaring gawa-gawa lamang ito ng kampo ng lalake gayung may nasabi si Andrea tungkol sa ex na hindi nagpapalaba sa loob ng isang taon. Depensa naman ni Cristy, respeto nalang sana at hindi na nararapat pang magsalita ng lalake lalo na at maaring ikasira ito ng imahe ng babae.

Kamakailan ay binahagi ni Andrea Brillantes ang kanyang pagkomento sa Instagram live ng Blackpink member na si Rosé. Sa kanyang Instagram story ay binahagi ni Andrea ang kanyang pagkomento sa IG live ni Rosé at ang reaksiyon nito nang malamang break na sila ng lalaki na niyaya niya sa prom. Hindi napigilang mapatakip ng bibig si Rosé na tila nabigla sa sinabi ni Andrea. Ani Andrea, okay naman siya at masaya dahil napansin siya ng Blackpink.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel