Andrea, naiyak sa kagustuhang makita ang idolong si Kylie Jenner sa Milan Fashion week

Andrea, naiyak sa kagustuhang makita ang idolong si Kylie Jenner sa Milan Fashion week

- Naiyak si Andrea Brillantes sa kagustuhang makita umano ang idolo niyang si Kylie Jenner

- Aniya, biggest inspiration niya ito kaya nagkaroon din siya ng sariling makeup line

- Gagawin daw niya ang lahat upang makita ang idolo sa Milan Fashion week kung saan isinama siya ni Dra. Vicki Belo

- Tila hindi naman nabigo si Andrea dahil ilan sa kanyang nai-post sa kanyang IG ay larawan ni Kylie

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong vlog ni Dra. Vicki Belo, makikitang naiyak si Andrea Brillantes sa kagustuhan nitong makita ang idolong si Kylie Jenner.

Andrea, naiyak sa kagustuhang makita ang idolong si Kylie Jenner sa Milan Fashion week
Andrea Brillantes (Dr. Vicki Belo YouTube)
Source: Youtube

Inaasahan niya umano itong makita sa Milan Fashion Week kung saan naisama siya ni Dra. Vicki kamakailan.

"Hindi ako nag-aacting. Mahal na mahal ko si Kylie (Jenner). Gagawin ko lahat para makita siya. Kaya ako may business na makeup dahil sa kanya. Siya inspirasyon sa buong buhay ko. 'Pag nakita ko siya, pwede na akong mamatay," naluluhang nasabi ni Andrea.

Read also

Ricci Rivero, ibinida ang pagtatangi kay Leren Mae Bautista: "Walang nang agaw at walang inagaw"

"I will do everything. I can't leave this Earth without meeting her. Ican't die without meeting her," dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, sa isa sa kanyang mga posts sa Instagram, makikitang hindi nabigo si Andrea at nakita nga ang kanyang idolong si Kylie.

"I still can't believe that I was in the same room as my long-time idol, Kylie Jenner. Almost the entire time, my eyes were fixed on her," masayang naibahagi ni Andrea.

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa Milan Fashion Week experience ni Andrea mula sa YouTube channel ni Dr. Vicki Belo:

Si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Read also

Andrea, aminadong na-insecure noon: "Kasi parang I'll never be enough for someone"

Samantala, sa naturang vlog din ni Dra. Vicki Belo, napuri niya ang pagiging 'good girl' na umano ni Andrea. Aniya, nakamamangha umano ang independence nito subalit naiiba kapag ito raw ay nai-in love.

Naroong naikwento rin ni Andrea na minsa'y na-insecure siya dahil tila ba hindi siya sapat sa taong inaakala niyang nakalaan para sa kanya. Gayunpaman, agad naman niyang na-realize na mas marami umano siyang bagay na dapat na ipagpasalamat.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel