Andrea, aminadong na-insecure noon: "Kasi parang I'll never be enough for someone"

Andrea, aminadong na-insecure noon: "Kasi parang I'll never be enough for someone"

- Sa bagong Youtube video ni Dr. Vicki Belo, naibahagi ang tila realization sa buhay ni Andrea Brillantes

- Kasama kasi ni Dr. Belo si Andrea sa Milan Fashion Week kung saan nagkaroon sila ng pagkakatong mag-bonding

- Doon naikwento ni Andrea na nakaramdam umano siya ng insecurity kamakailan

- Aniya, tila nawala ang confidence niya nang maramdamang hindi siya sapat sa taong inakala niyang 'yun na ang para sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Andrea Brillantes ang kanyang naramdamang insecurity kamakailan.

Andrea, aminadong na-insecure: "Kasi parang I'll never be enough for someone"
Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

Sa bagong vlog ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo, walang kemeng inamin ni Andrea na sa kabila ng confidence niya sa sarili, pakiramdam niya ay hindi umano ito sapat sa iba.

"Talagang nai-insecure ako sa self ko. Kita niyo naman gaano ako ka-confident sa sarili ko 'di ba? Gandang-ganda ako sa sarili ko pero ever since 'nun, napapakwestyon na, maganda pa rin ba ako? Kasi parang i'll never be enough for someone. Kasi kung sa tao na 'to na akala ko 'yun na 'yun, sa kanya hindi pa rin ako enough, E 'di I'll never be enough for anyone else."

Read also

Ricci Rivero kay Bea Borres: "Sayang pakikialam mo kung di ka kasama sa headline"

Gayunpaman, naikwento rin ni Andrea ang kanya umanong realization na hindi tama ang kanyang naiisip tungkol sa sarili at mas marami pa siyang mga bagay na mas dapat na ipagpasalamat.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Tapos nung nasa plane ako papunta dito doc, naisip ko it's so stupid lang. Thinking na I'm so insecure na-feel ko hindi ako enough... Naiinis na ako sa self ko na bakit ko hinahayaan yung sarili ko na maramdaman 'to. Pupunta ako sa Fashion Week, na madaming babaeng pinapangarap 'to ta's ako namomroblema lang sa ganu'ng bagay? 'Di na. Mas marami pang dapat pagpasalamatan sa Diyos."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Dr. Vicki Belo YouTube channel:

Si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Read also

Andrea, naiyak sa kagustuhang makita ang idolong si Kylie Jenner sa Milan Fashion week

Noong Hunyo, gumulantang sa publiko ang hiwalayan nina Andrea at ang dati nitong karelasyon na basketball player na si Ricci Rivero. Matatandaang naging agaw-eksena pa ang pagtatapat ni Ricci noon kay Andrea na kanyang isinagawa matapos itong manood ng kanyang game.

Samantala, sa isang vlog din ni Dra. Vicki Belo, napuri niya ang pagiging 'good girl' na umano ni Andrea. Aniya, nakamamangha umano ang independence nito subalit naiiba kapag ito raw ay nai-in love.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel