Boss Toyo, tumangging ibenta ang Francis M collection niya sa halagang 8M

Boss Toyo, tumangging ibenta ang Francis M collection niya sa halagang 8M

- Binahagi ni Boss Toyo sa kanyang YouTube channel ang pagpunta ng isang Francis M fan na gustong bilhin ang collection ng kanyang iniidolo na jersey shirt at iba pang mga memorabilia

- Una niyang binigay ang P500,000 na siyang perang pinambili ni Boss Toyo sa jersey ni Francis M

- Bukod pa dito ay unang nag-alok siya ng isang milyon dahil balak daw niya itong ilagay sa kakabukas lang niyang Club Hype

- Kinalaunan ay sinulat niya sa tseke ang halagang P8 milyon bilang kanyang alok para sa buong Francis M collection

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Boss Toyo na na-goosebump daw siya sa P8 milyon na alok ng isang Francis M fan para sa collection ni Boss Toyo. Gayunpaman, tinanggihan niya ito dahil wala daw katumbas na presyo ang collection na ito.

Read also

Miss Grace, ibinida ang engagement ring: "Should I say yes?"

Boss Toyo, tumangging ibenta ang Francis M collection niya sa halagang 8M
Boss Toyo, tumangging ibenta ang Francis M collection niya sa halagang 8M
Source: Youtube

Naka-frame na ang jersey na pag-aari daw ni Francis M na mula sa nagpakilalang karelasyon umano noon ni Francis M.

Ani Boss Toyo, hindi pa niya naiisip na ibenta ito at ilalagay pa niya ito sa kanyang museum.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Francis Michael Durango Magalona na mas kilala bilang si Francis M ay isang Filipino rapper, singer, songwriter, entrepreneur, actor, at television personality. Siya ang maituturin gn haligi ng Pinoy hip-hop industry. Si Francis M ang ama ng mga showbiz personality na sina Maxene Magalona at Elmo Magalona. Marso ng 2009, binawian ng buhay si Francis M dahil umano sa leukemia.

Samantala, matatandaang naging bahagi rin ng Eat Bulaga si Francis M kung saan umano nito nakilala si Abegail. Sa naturang programa rin isinapubliko ang kanyang pagpanaw na pansamantalang nagpatigil noon sa programa upang alayan siya ng panalangin. Matatandaang kamakailan lamang, inalala siya ng anak na si Maxene Magalona na naibahagi ang kanyang naging interview sa ama noong 1996.

Lumantad umano sa Pinoy Pawnstars ang nagpakilalang nakarelasyon noon ng namayapang si Francis M. Dala nito ang Jersey ni Francis na umano'y suot nito na maituturing niyang early premonition ng mangyayari rito. Mayroon din siyang dalang signed notes ng 'Master Rapper' na ang tawag umano sa kanya ay "hon."Taong 2007 nang ipanganak niya ang supling nila ni Francis M na ang mismong Master rapper pa umano ang nagpangalan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel