Zeinab Harake, nakikitang kasal na sila ni Bobby Ray Parks sa susunod na tatlong taon

Zeinab Harake, nakikitang kasal na sila ni Bobby Ray Parks sa susunod na tatlong taon

- Binahagi ni Zeinab Harake ang Question and Answer vlog niya kasama ang kanyang boyfriend na si Bobby Ray Parks

- Sa naturang vlog ay naitanong kay Zeinab kung paano niya nakikita ang buhay nila sa susunod na tatlong taon

- Ani Zeinab, nakikita niyang kasal na sila dahil sa kasalukuyan daw ay hindi nila minamadali at focus sila sa mga bata

- Para naman kay Ray, kung siya ang masusunod ay gusto na niyang mag-settle down

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Zeinab Harake ang Q&A vlog nila ni Bobby Ray Parks. Kabilang sa naitanong kay Zeinab ay kung paano niya nakikita ang buhay nila sa susunod na tatlong taon.

Zeinab Harake, nakikitang kasal na sila ni Bobby Ray Parks sa susunod na tatlong taon
Zeinab Harake, nakikitang kasal na sila ni Bobby Ray Parks sa susunod na tatlong taon
Source: Instagram

Diretsahang sinabi ni Zeinab na nakikita niyang kinasal na sila. Para naman kay Ray, kung siya ang masusunod ay gusto na niyang mag-settle down. Gayunpaman, mas tinututukan daw nila sa ngayon ang kanilang mga anak.

Read also

Sharon Cuneta: "Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami so okay na kami"

Blessing din kung iturong ni Ray ang mga anak ni Zeinab dahil aniya ay pangarap niya talaga magka-pamilya.

Nagpasalamat naman si Zeinab kay Ray dahil aniya ay bihira ang lalaking tatanggapin nang buo pati ang mga bata.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Matatandaang inalmahan ni Zeinab sa kanyang Instagram live ang mga naninisi sa kanya kung bakit hindi nakapaglaro sa FIBA si Bobby Ray Parks. Nilinaw ni Zeinab na todo-suporta siya kay Ray at maging siya ay busy din sa trabaho. May mga nagsasabi kasi na mas inuuna siya ni Ray kesa sa pagba-basketball nito. Nilinaw naman ni Ray na wala namang masama na magkaroon siya ng buhay outside basketball.

Read also

Jean Garcia, binuking ang tungkol sa mga manliligaw ng anak

Sinulit nina Bobby Ray at Zeinab ang kanilang oras na magkasama sa bakasyon nila sa Bohol. Pabalik na rin kasi si Ray sa Japan sa kanilang pagbabalik sa Manila pagkatapos ng kanilang bakasyon. Sa Instagram live ni Zeinab ay makikita ang anila'y "Bebe time" ng magkasintahan. Sa sobrang busy daw nila sa kanilang mga trabaho ay ngayon lang sila nagkaroon ng oras na magkasama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel