Jean Garcia, binuking ang tungkol sa mga manliligaw ng anak

Jean Garcia, binuking ang tungkol sa mga manliligaw ng anak

- Binuking ni Jean Garcia ang tungkol sa mga lalaking nagpakita ng interes sa anak na si Jennica Garcia noong nag-shoot sila ng pelikula sa South Korea

- Sinubukan ni Jennica na pigilan ang kanyang nanay na magkwento pero tuloy-tuloy ito sa kanyang pagbabahagi

- Aminado si Jennica na na-eenjoy niya ang atensiyon na binibigay sa kanya ngunit aniya ay wala daw sa isip niya sa ngayon ang makipagrelasyon

- Kung sakali daw na may lalaking makarelasyon siya, ayaw na daw niyang magpakasal at ayaw na rin niyang magkaanak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Walang nagawa si Jennica Garcia nang ibuking siya ng kanyang nanay tungkol sa mga Koreanong nagpakita ng interes sa anak niya noong nag-shoot sila ng pelikula sa South Korea. Hindi lang daw tatlo kundi apat daw sila.

Read also

Sharon Cuneta: "Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami so okay na kami"

Jean Garcia, binuking ang tungkol sa mga manliligaw ng anak
Jean Garcia, binuking ang tungkol sa mga manliligaw ng anak
Source: Youtube

Aminado naman si Jennica na na-eenjoy niya ang binibigay na atensiyon sa kanya ngunit aniya ay wala sa isip niya sa ngayon ang makipagrelasyon.

Sakali naman daw na makatagpo siya ng lalaking kanyang mamahalin, ayaw na daw niyang magpakasal at ayaw na rin niyang magkaanak.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel