Cristy Fermin kay Kathryn Bernardo: "pataas na nang pataas ang lebel niya"

Cristy Fermin kay Kathryn Bernardo: "pataas na nang pataas ang lebel niya"

- Umani ng papuri si Kathryn Bernardo mula kay Cristy Fermin

- Ito ay matapos na magwagi ni Kathryn kamakailan ng Outstanding Asian Star sa 18th Seoul International Drama Awards

- Ani Cristy, maging siya ay napukaw sa husay ng pag-arte nito nang mapanood niya ang 'Too Good to be true'

- Nilarawan niya ang aktres na umano'y pagaling nang pagaling at pataas nang pataas ang lebel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napuri ni Cristy Fermin ang aktres na si Kathryn Bernardo na kamakailan lamang ay tumanggap ng award na Outstanding Asian Star sa 18th Seoul International Drama Awards sa Korea.

Cristy Fermin kay Kathryn Bernardo: "pataas na nang pataas ang lebel niya"
Kathryn Bernardo (@bernardokath)
Source: Instagram

Sa bagong episode ng Showbiz Now Na! panay positibong komento ang naibigay ni Cristy sa Kapamilya actress.

"Ang galing-galing naman kasi talaga ni Kathryn sa Too Good to be true. Mula umpisa ko napanood 'yun, hinawakan na ako sa leeg hindi ko na binitawan ang galing-galing niya," pag-amin ni Cristy na siya mismo'y nakapanood ng nasabing serye.

Read also

Gerald Anderson, natanong tungkol sa kasalan: "Mas marami pang problema sa mundo ngayon"

"Si Kathryn, 'yung pagganap niya talagang tumamis na nang tumamis, gumaling na nang gumaling, pataas na ng pataas ang lebel niya," dagdag pa ni Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Cristy mula sa kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Samantala, maging si Ogie Diaz ay napuri si Kathryn Bernardo at ka-love team nito at real-life sweetheart na si Daniel Padilla. Ito ay dahil sa magkahiwalay na proyektong gagawin ng dalawa. Si Kathryn ang magiging bahagi ng pelikulang A Very good Girl. Habang si Daniel Padilla naman ay may nakalatag din na dalawang pelikulang gagawin. Ito ay ang 'Nang mapagod si Kamatayan' kung saan makakasama niya si Zanjoe Marudo at ang psychological suspense thriller na 'The Guest' kasama si John Arcilla.

Read also

Diether Ocampo, trending matapos ang kanyang pagdalo sa ABS-CBN ball

Isa rin umano si Ogie Diaz sa dumipensa kay Kathryn matapos na kumalat ang video na kuha sa shoot ng kanilang Cinemalaya entry na "A Very Good Girl" kung saan kasama nito si Dolly De Leon. Tulad ng nasabi rin ng Guldbagge Award for Best Actress in a Supporting Role nominee, sinabi ni Ogie na sakaling totoong nagvi-vape si Kathryn, normal lang ito at di na kailangan pang gawing big deal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica