Ivana Alawi, umamin tungkol sa kanyang love life: "Hindi siya artista"

Ivana Alawi, umamin tungkol sa kanyang love life: "Hindi siya artista"

- Nakasama ni Bea Alonzo si Ivana Alawi sa kanyang pinakabagong vlog kung saan ginawa nila ang A to Z challenge

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Kabilang sa naitanong sa kanya ay tungkol sa maituturong niyang kulay na magsisimbolo sa kanyang love life

- Kung si Bea ay sinasabing red na red ang kanyang love life, si Ivana naman ay pink

- Inamin niyang may karelasyon siya sa kasalukuyan pero aniya ay hindi ito mula sa showbiz

Si Ivana Alawi ang kasama ni Bea Alonzo sa kanyang vlog kung saan ginawa nila ang A to Z challenge. Dito ay inamin niyang may karelasyon siya sa kasalukuyan pero aniya ay hindi ito mula sa showbiz.

Ivana Alawi, umamin tungkol sa kanyang love life: "Hindi siya artista"
Ivana Alawi, umamin tungkol sa kanyang love life: "Hindi siya artista"
Source: Youtube

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Toni Fowler: "Ramdamin mo yung wala na kaming paramdam"

Pink ang kulay na ani Ivana ay magsisimbolo sa kanyang buhay pag-ibig. Inamin niya kay Bea na may karelasyon siya pero hindi daw ito taga-showbiz.

Ayon kay Ivana, sa ugali ang pinakabasehan niya sa pakikipagrelasyon. Ayaw niya daw ng sobrang pogi. Pagiging family oriented and honest ang pinakagusto niyang ugali

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Dra. Vicki Belo at asawa niyang si Hayden Kho sa vlog kung saan naging magulang sila nina Mona at Ivana habang naglilibot sa Italy. Sa simula ng vlog ay makikita ang mag-asawa at sinabi ni Dra. Belo na kailangan ng mga anak nila ng disiplina ni Hayden at pang-spoil ni Doktora. Agad pinuna ni Dra. Belo ang kanyang pananamit at sinara ang suot nitong cardigan sabay nagbiro na siya na lang ang magsasara dahil delikado pag si Hayden. Natawa naman si Hayden sa biro niyang ito kaya nabatukan niya ito nang pabiro.

Read also

Cianne Dominguez, pinagpalit ng ex sa isa pa niyang ex-boyfriend

Naibahagi din ni Ivana Alawi sa vlog niya ang bahay nila sa Bacood Sta Mesa. Paglilinaw nila ni Mona, nagsimula sila sa simpleng buhay taliwas sa nakikita sa kanilang vlog. Kinuwento nila ang kanilang mga memories sa dating bahay na ayon sa kanila ay malaki na para sa kanila. Pinakita nila ang ilang bahay na kanilang nilipat-lipatan noong doon sila nakatira.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel