Toni Fowler, sinabing bati na sila ni Kim Chiu: "Dahil pwede nang lumabas, bati na kami eyy"

Toni Fowler, sinabing bati na sila ni Kim Chiu: "Dahil pwede nang lumabas, bati na kami eyy"

- Kinaaliwan sina Toni Fowler at Kim Chiu sa opening ng 'It's Showtime' ngayong araw, August 10, 2023

- Magkatabi silang dalawa at nagpasalamat si Kim dahil isa si Toni sa nag-opening number sa It's Showtime

- Agad namang sinabi ni Toni na bati na sila na tila ikinabigla ni Kim dahil aniya ay, 'caught off guard' daw siya

- Gayunpaman, marami ang masaya na makitang maayos ang dalawa matapos ang naging post ni Toni noong 2020

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan sina Kim Chiu at Toni Fowler nang magkasama sila sa opening ng 'It's Showtime' ngayong araw, August 10, 2023. Agad namang sinabi ni Toni na bati na sila na tila ikinabigla ni Kim dahil aniya ay, 'caught off guard' daw siya.

Toni Fowler, sinabing bati na sila ni Kim Chiu: "Dahil pwede nang lumabas bati na kami eyy"
Toni Fowler, sinabing bati na sila ni Kim Chiu: "Dahil pwede nang lumabas bati na kami eyy" (ABS-CBN/YouTube)
Source: Youtube

Makikita sa video na matapos ang pasasalamat ni Kim sa Baby Dolls at kay Toni Fowler sa kanilang opening number, napaakbay siya kay Toni na nasa tabi lang niya.

Read also

Zeinab Harake, inilarawan si Ray Parks: "Hindi boy, he's a man"

Agad namang sinabi ni Toni na bati na daw sila ni Kim. Agad namang natawa si Kim sabay sabing "wala 'yon."

Napatanong si Ryan tungkol dito at agad namang sinabi ni Toni na naganap daw yun nung pandemic. Ang kanyang tinutukoy ang paglabas ni Toni ng kanyang saloobin kaugnay sa karanasan niya nang back-up dancer siya sa Showtime at late sa rehearsal si Kim.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang Facebook post ay binahagi din ni Toni ang screenshot ng picture nila ni Kim.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Read also

Carlo Aquino kay Charlie Dizon: "Pinag-uusapan namin ‘yung future namin together"

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate