Zeinab Harake, inilarawan si Ray Parks: "Hindi boy, he's a man"

Zeinab Harake, inilarawan si Ray Parks: "Hindi boy, he's a man"

- Nilarawan ni Zeinab Harake ang boyfriend niyang si Bobby Ray Parks bilang isang 'man'

-Paliwanag niya, hindi ito boy, kundi man at napatunayan na raw niya iyon

- Dagdag pa niya, sobrang dami nang nagawa ni Ray na para sa kanya ay green flag

- Dalawa pa lang daw ang nakita niyang nagawa ni Ray na red flag ngunit aminado siyang dahil lang din iyon sa topak niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay Zeinab Harake, man at hindi boy si Bobby Ray Parks. Sa Instagram post na binahagi ng PUSH, naitanong kay Zeinab kung paano niya isasalarawan ang kanyang boyfriend.

Zeinab Harake, inilarawan si Ray Parks: "Hindi boy, he's a man"
Zeinab Harake, inilarawan si Ray Parks: "Hindi boy, he's a man" (@ray1parks)
Source: Instagram

Kwento pa ni Zeinab, sobrang dami nang nagawa si Ray para patunayan iyon. Marami na rin daw itong ginawang green flag at mayroon daw dalawang pagkakataon na masasabi niyang red flag ang ginawa nito. Gayunpaman, aminado si Zeinab na dahil lang din iyon sa kanyang topak.

Read also

Carlo Aquino kay Charlie Dizon: "Pinag-uusapan namin ‘yung future namin together"

Nahirapan ako dyan ha, pero para sa akin king. Kasi alam niya kung paano maging lalaki. Hindi bata.. Sabi ko nga hindi boy, man. He's a man.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Ibinahagi ni Zeinab Harake sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpunta sa concert kamakailan ni Bruno Mars. Aniya, sobrang iniidolo niya si Bruno kaya masayang-masaya siya na makapunta sa concert at aniya ay ang boyfriend niyang si Bobby Ray Parks ang nagbigay ng ticket niya. Pabiro pang sinabi ni Zeinab na sa wakas ay nakahanap daw siya ng sugar daddy dahil lagi na lang daw siya ang sugar mommy. Marami naman ang bumilib kay Ray dahil sa pagiging supportive nito sa pagiging fan girl ni Zeinab.

Hindi napigilang maiyak ni Zeinab Harake habang nakikinig ng awitin ni Bruno Mars sa concert nito. Ito ang awiting 'Talking to the Moon' na aniya ay kanyang pinakinggan noong panahong malungkot siya. Matatandaang naibahagi ni Zeinab ang tungkol sa pagkawala ng anak niya na pinagbubuntis at tinawag niya ang anak niya na si Moon. Habang naiiyak ay naroroon naman ang boyfriend niyang si Bobby Ray Parks na umalalay lang sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel