Nag-throwback! Toni Fowler, nagbigay ng mensahe para kay Kim Chiu

Nag-throwback! Toni Fowler, nagbigay ng mensahe para kay Kim Chiu

- Tila hindi napigilan ng vlogger na si Toni Fowler ang mapa-throwback nang mapansin daw nito na puro ang isyu tungkol kay Kim Chiu ang kanyang nakikita sa social media

- Inalala nito ang naging karanasan bilang dating dancer ng Kapamilya noontime-variety show na "It's Showtime"

- Dito, ibinahagi rin ni Fowler nang minsang mag-guest si Chiu sa nasabing show at isa ito sa naging back-up dancer ng aktres

- Nagbigay pa si Fowler ng "mainit at maanghang" na mensahe para kay Chiu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mabilis na nag-viral ang social media post ng vlogger na si Toni Fowler patungkol sa pagsasara ng ABS-CBN shutdown.

Ngunit tila hindi napigilan ni Toni Fowler ang mapa-throwback nang mapansin daw nito na puro ang isyu tungkol kay Kim Chiu ang kanyang nakikita sa social media.

Matatandaang naging mainit sa mga mata ng netizens ang aktres dahil sa mga pahayag nito ukol sa pagpapatigil sa operasyon ng Kapamilya network.

Sa kanyang post, inalala ni Fowler ang naging karanasan bilang dating dancer ng noontime-variety show na "It's Showtime".

Dito, ibinahagi rin ni Fowler nang minsang mag-guest si Chiu sa nasabing show at isa ito sa naging back-up dancer ng aktres.

"Way back (im not sure) 2011 or 2012

"First time mong nag guest sa SHOWTIME para sumayaw. I remember nung mga panahon na yun nag-aaral pa ko sa Lyceum.

"Ang rehearsal time sched mo samin ay 5PM. Dumating ka ng 11pm.. 6 HOURS KANG LATE SES! SIX HOURS! Natapos rehearsal natin ng 2:30am," anito.

"Ilang oras kami nag antay sayo. Hindi nako nakapasok sa school. Dumating ka.. pero ni sorry... wala.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Parang ikaw pa nga yung inis. Inintindi nalang namin kasi baka pagod ka at sino ba naman kami para umarte. BACK UP DANCER LANG NAMAN KAMI diba?" dagdag pa ni Fowler.

Pero pagliliwanag nito, hindi niya bina-bash si Chiu at sa halip ay nag-iwan na lamang ng mensahe para sa huli.

"Gusto ko lang sabihin sayo na.. bilog ang mundo. Babalik sayo kung ano ang binibigay mo sa ibang tao," sabi pa nito.

Si Toni Fowler ay isa sa mga sikat na "mommy vlogger" ngayon. Naging kontrobersyal ito nang maugnay ang Ex-Battalion member na si Jon Gutierrez na kasal kay Jelai Andres.

POPULAR: Read more news about Kim Chiu!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

"Akala ko nun, malakas pa 'ko. Yun pala, kritikal na po ako." An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it. Now he shares his story with us. Check out all of the exciting videos on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel