Rhian Ramos, ibinida ang GMA Gala look kasama ang dating glam team ni Heart Evangelista

Rhian Ramos, ibinida ang GMA Gala look kasama ang dating glam team ni Heart Evangelista

- Ibinida ni Rhian Ramos ang mga tao sa likod ng kanyang GMA Gala look

- Sa isang post ay binahagi niya ang picture kasama ang stylist, make-up artist at hair stylist na nagpaganda sa kanya

- Marami naman ang nakapansin na bahagi ng dating glam team ni Heart Evangelista ang nag-ayos sa kanya

- Naging usap-usapan kamakailan ang tungkol sa paghihiwalay ng landas ni Heart at ng dating glam team niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Rhian Ramos ang mga taong nag-ayos sa kanya sa ginanap na GMA Gala. Marami naman ang nakapansin na bahagi ng dating glam team ni Heart Evangelista ang make-up artist at hair stylist niya.

Rhian Ramos, ibinida ang GMA Gala look kasama ang dating glam team ni Heart Evangelista
Rhian Ramos, ibinida ang GMA Gala look kasama ang dating glam team ni Heart Evangelista (@iamhearte)
Source: Instagram

Sa naunang post niya ay kasama din si Mark Bumgarner sa nabanggit niya sa kanyang GMA Gala look. Si Mark ay kilala ding malapit na kaibigan ni Heart. Nakakasama niya ito sa mga vlog niya noon.

Read also

Ellen Adarna, tinawanan si Derek Ramsay na nakikiusap na payagan siyang bumili ng gems sa game na nilalaro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng mga lumalabas na bali-balita, walang pahayag na nilalabas si Heart. Pinabulaanan naman ni Justin Louise Soriano, ang dating makeup artist ni Heart ang mga alegasyon na may kinalaman sa pera ang kanilang paghihiwalay.

Si Heart Evangelista ay ikinasal sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Read also

Gino Roque, hindi pa sinasagot ang pahayag ni Kiara Takahashi

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate