Umano'y larawan ng proposal ni Pambansang Kolokoy sa kanyang present partner, viral na

Umano'y larawan ng proposal ni Pambansang Kolokoy sa kanyang present partner, viral na

- Viral na larawang kuha umano sa proposal ni Pambansang Kolokoy sa present partner nito

- Bagama't hindi pa niya ito pinakikita sa publiko, may ilang netizens na ang nakapagbibigay ng pangalan ng babae

- Ito umano ang ina ng pinakikitang baby ni PK na si Baby Juju

- Matatandaang kamakailan lang, nagpaunlak ng interview si Pambansang Kolokoy kay Ogie Diaz kung saan may ilang mga bagay pa siyang naisiwalat tungkol sa ex-wife na si Miss Grace

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mabilis na nag-viral ngayon ang larawang sinasabing kuha sa engagement ni Pambansang Kolokoy sa present partner nito.

Umano'y larawan ng proposal ni Pambansang Kolokoy sa kanyang present partner, viral na
Joel Mondina aka Pambansang Kolokoy (Pambansang Kolokoy)
Source: Facebook

Sa larawang ibinahagi ni Isyus, makikita si PK na may hawak na animo'y singsing habang nakaharap sa isang babae.

Base sa caption ng naturang post, kuha ito ng isa sa malapit na kaibigan ni PK.

Read also

Video ni Joshua Garcia na umano'y kasama si Emilienne Vigier, usap-usapan online

"My very very best friend is engaged. Uncle, I knew you were the one for her. Thank you for loving my best friend the way that you do and choosing her forever. I love you both so much, Congratulations."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ilang netizens ang nagsasabi umano na si Eileen Gonzales ang best friend ng partner na ito ni PK. Ito rin umano ang tumatawag sa kanya ng "Uncle" o "angkol" base na rin sa isang IG post nito.

Kaya naman ang malaking katanungan na lang ngayon ng publiko ay kung sino ang bagong partner ni PK na hindi pa raw niya kailanman nakasama sa pictures o video base sa interview sa kanya ni Ogie Diaz kamakailan.

Samantala, narito ang larawan na naibahagi rin ng Isyus:

Si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay isang content creator sa YouTube na mayroon nang 2.16million subscribers. Nakilala siya sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos na kahit nasa ibang bansa, proud pa rin ito sa kanyang mga gawaing Pinoy na Pinoy.

Read also

Andrea Brillantes tungkol sa 'betrayal': "Hindi totoo 'yang second chances na 'yan"

Samantala, si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctoral Degree in Nursing.

Matapos nga silang maghiwalay ni Pambansang Kolokoy ay marami sa mga viewers ng vlog nila ni PK ang naghanap sa kanya. Dahil wala naman siyang sarili niyang YouTube channel ay minabuti na lang niyang ibahagi ang kanyang account sa Facebook at Instagram. Marami ang nakapansin sa kanyang blooming na awra sa kanyang mga pictures na binahagi.

Ilang linggo rin matapos ang kanilang hiwalayan, nagawa pa rin na mag-collab ng dalawa sa isang video. Subalit hindi na rin ito mapapanood ngayon sa kani-kanilang mga channel o social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica