Video ni Joshua Garcia na umano'y kasama si Emilienne Vigier, usap-usapan online

Video ni Joshua Garcia na umano'y kasama si Emilienne Vigier, usap-usapan online

- Usap-usapan ngayon online ang umano'y video ni Joshua Garcia na kasama ang bagong nali-link sa kanyang si Emilienne Vigier

- Makikita sa video na tila magkasunod na lumabas ang dalawa sa isang restaurant

- Na sinundan naman ng pagsakay nila umano sa parehong sasakyan

- Kamakailan lang ay napansin na umano ng netizens ang umano'y pagkakamabutihan ng dalawa base sa palitan nila ng komento sa kani-kanilang socmed post

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agaw-eksena ngayon online ang video ng aktor na si Joshua Garcia na umano'y may kasamang babae na lumabas mula sa isang restaurant.

Video ni Joshua Garcia na umano'y kasama si Emilienne Vigier, usap-usapan online
Joshua Garcia
Source: Facebook

Mabilis na nasabi ng netizens na ang babaeng ito na kasama ni Joshua ay ang Athlete na si Emilienne Vigier.

Sa TikTok video ni Zellenoble na ibinahagi rin ng Manila Bulletin, makikitang mula sa restaurant ay diretsong sumakay sa iisang sasakyan sina Joshua at ang sinasabing bagong love interest nitong si Emillienne.

Read also

Melai Cantiveros sa nagtatanong kung kumusta si Jason Francisco: "Tuliro sa isang tabi"

Hindi nakawala sa mapanauring netizens na pawang si Emillienne nga ang kasamang ito ni Joshua base na rin sa mga naunang pagpapalitan umano nila komento sa kani-kanilang socmed.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayundin daw umano ang ilang post nila na sinasabing halos magpareho at kuha 'di umano nang magkasama sila.

Gayupaman, wala pa ring pagkumpirma sa kampo man ni Joshua o kampo ni Emilliene kung sila nga ba ang madalas na ngayong makitang magkasama.

Si Joshua Garcia ay isang aktor at modelo sa bansa na produkto ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN noong 2015. Naging karelasyon niya si Julia Barretto at labis na naging usap-usapan ang muli nilang pagsasama sa music video ng kanta ni Moira na 'Paubaya.' Naging bahagi rin siya ng Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Read also

Cristy Fermin, ikinuwentong 'di tumanggap ng anumang regalo sina Maine at Arjo

Sa ngayon, bahagi siya ng pinakaaabangang teleserye na Unbreak My Heart. Ito ang kauna-unahang proyekto kung saan nagsanib pwersa ang GMA at ABS-CBN at Viu. Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, nabanggit ni Joshua na sumailalim pa sila sa sensuality workshop nina Jodi Sta. Maria at Gabbi Garcia upang mapaghandaan ang ilang eksena nila sa serye.

Samantala, sa panayam ni Ogie Diaz kay Maricel Soriano, isa si Joshua sa mga napuri ng nag-iisang Diamond Star. Ayon kay Maricel, nababaitan umano siya sa aktor na nais niyang maimbitahan at ma-interview sa kanyang YouTube channel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel