Andrea Brillantes tungkol sa 'betrayal': "Hindi totoo 'yang second chances na 'yan"

Andrea Brillantes tungkol sa 'betrayal': "Hindi totoo 'yang second chances na 'yan"

- Nagbigay pahayag si Andrea Brillantes tungkol sa salitang betrayal o pagtataksil

- Aniya, hindi siya naniniwala sa second chances kaya kung nakaranas ng betrayal, 'wag na umanong balikan ang taong gumawa nito

- Matatandaang kagagaling lamang sa hiwalayan ni Andrea sa ex-boyfriend nitong si Ricci Rivero

- Si Ricci ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan at nagsiwalat pa 'di umano ng ilang bagay ukol sa kanilang naging relasyon ni Andrea

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matapang ang naging pahayag ni Andrea Brillantes nang matanong siya kung ano ang pananaw niya sa betrayal o pagtataksil.

Andrea Brillantes tungkol sa 'betrayal': "Hindi totoo 'yang second chances na 'yan"
Andrea Brillantes
Source: Youtube

Isa ito sa mga natanong sa kanya kung ano na nga ba ang nangyari sa kanya lalo na sa breakup nila ng dating kasitahan na si Ricci Rivero.

'Pag trinaydor ka na, 'wag mo nang balikan. Pinakita na niya sarili niya sa'yo. Hindi totoo 'yang second chances na'yan. 'Yung taong binigyan mo ng ganu'n, 'di sila worth it. Wala na, ba-bye. Cut-off," ani Andrea na masaya na umano sa kanyang buhay gayung nakapag-move on na siya.

Read also

Andrea Brillantes, happy ngayon: 'Wag kayong mag-alala, naka-move on na ako"

Ayon pa kay Andrea, masaya ang buhay niya ngayon at pinaliligiran pa rin siya ng mga kaibigan niya at mga mahal sa buhay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala narito ang kabuuan ng kanyang video mula sa kanyang YouTube channel:

Si Andrea Brillantes is a Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Kamakailan lang, gumulantang sa publiko ang hiwalayan nina Andrea at ang dati nitong karelasyon na basketball player na si Ricci Rivero. Matatandaang naging agaw-eksena pa ang pagtatapat ni Ricci noon kay Andrea na kanyang isinagawa matapos itong manood ng kanyang game.

Matatandaang si Ricci ang unang nagsiwalat na tapos na ang relasyon nila ng 'Kadenang Ginto' star. Sa Interview naman sa kanya ni Boy Abunda, mas lalong nakapagbigay ng detalye si Ricci tungkol sa isyu ng hiwalayan at isa na roon ay ang sinasabi niyang pag 'sleep together' ni Andrea. Ani Cristy, tila hindi maganda umano na nasabi pa ito ni Ricci na hindi lamang nakaapekto sa kanila ni Andrea kundi maging sa kanilang mga magulang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel