Andrea Brillantes, happy ngayon: 'Wag kayong mag-alala, naka-move on na ako"

Andrea Brillantes, happy ngayon: 'Wag kayong mag-alala, naka-move on na ako"

- Nagbigay ng update si Andrea Brillantes tungkol sa mga kaganapan sa kanyang buhay sa ngayon

- Aniya, masaya siya ngayon at naka-move on na umano sa breakup nila ni Ricci Rivero

- Inihayag din ni Andrea ang mga plano niya sa buhay partikular na ang mga nais niyang pagtuunan ng pansin bukod sa kanyang career

- Isa na rito ang paggawa ng mga bagay-bagay kahit mag-isa lang umano siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pagbabalik YouTube ni Andrea Brillantes ay nagbigay din siya ng update sa mga nangyayari sa kanyang buhay kamakailan.

Andrea Brillantes, happy na ngayon: 'Wag kayong mag-alala, naka-move on na ako"
Andrea Brillantes (Andrea Brillantes FB)
Source: Facebook

Matatandaang halos kakagaling pa lamang umano ni Andrea sa heartbreak ng hiwalayan nila ng naging kasintahan na si Ricci Rivero.

Subalit kapansin-pansin na tila masaya si Andrea ngayon na siyang kinumpirma naman ng aktres.

"Masaya, blessed and very grateful... Happy ako guys. 'Wag kayong mag-alala. Naka-move on na ako. Okay, sana kayo din mag-move on na. Masaya na ako sa buhay ko ngayon."

Read also

Andrea Brillantes tungkol sa 'betrayal': "Hindi totoo 'yang second chances na 'yan"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, aminado din naman si Andrea na iniyakan niya ang mga pangyayari at tila ninamnam niya ang kalungkutan.

"Aaminin ko, tao lang ako. Naging malungkot talaga ako. One month 'yun at masaya ako na ninamnam ko yung kalungkutan. Kailangan natin yung harapin para mas maganda yung paghi-heal natin. Dahil dun, I have fully healed and moved on from everything that happened."

Narito ang kabuuan ng kanyang mga naging pahayag mula sa kanyang YouTube channel na Andrea B.:

Si Andrea Brillantes is a Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Kamakailan lang, gumulantang sa publiko ang hiwalayan nina Andrea at ang dati nitong karelasyon na basketball player na si Ricci Rivero. Matatandaang naging agaw-eksena pa ang pagtatapat ni Ricci noon kay Andrea na kanyang isinagawa matapos itong manood ng kanyang game.

Read also

MGI founder kay MJ Lastimosa: "Don't come to Miss Grand anymore"

Matatandaang si Ricci ang unang nagsiwalat na tapos na ang relasyon nila ng 'Kadenang Ginto' star. Sa Interview naman sa kanya ni Boy Abunda, mas lalong nakapagbigay ng detalye si Ricci tungkol sa isyu ng hiwalayan at isa na roon ay ang sinasabi niyang pag 'sleep together' ni Andrea. Ani Cristy, tila hindi maganda umano na nasabi pa ito ni Ricci na hindi lamang nakaapekto sa kanila ni Andrea kundi maging sa kanilang mga magulang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel