Herlene Budol, emosyonal sa pag-anunsyo: "Sorry Pilipinas, this is my last pageant... Ba-bye!"
- Emosyonal si Herlene Budol sa kanyang umano'y pamamaalam sa pageantry
- Aniya, iyon na ang huling sasalihan niya matapos na makailang beses na sumubok sa mga beauty pageant
- Matatandaang, ipinaalam na sa publiko ni Wilbert Tolentino ang umano'y pagbitiw niya bilang manager ni Herlene Budol
- Bago pa man ito pumasok sa mundo ng beauty pageant, unang nakilala si Herlene bilang si "Hipon Girl" sa 'Wowowin'
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Hindi napigilan ni Herlene Budol ang maiyak nang magpaalam na ito sa mundo ng beauty pageant.
Sa video na kanyang naibahagi sa Facebook, makikita si Herlene na umiiyak habang naglalabas ng saloobin tungkol sa kanyang desisyon.
"Ako po si Herlene Nicole Budol na nagsasabing Sorry Pilipinas, this is my last pageant. Ba-bye. This is Nicole Budol, I'm signing off. Huy, hindi po ako umaarte ah. Nasasaktan lang po ako kasi, Lord sabi ko sorry kasi pero totoo po lahat ng sinasabi ko kasi pinipilit ko po talagang sumali na 'di ko po deserve, na nagsusubok lang po ako."
Aniya, nakatatlong pageant na umano siya at tila sapat na ito lalo na at may mga nagsasabing hindi raw niya deserve ang mga nakamit sa mga sinalihan.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"Sumusubok lang po akong abutin ang pangarap ko. Gustoko pong magkaroon ako ng crown, at malagpasan ko po yung Pilipinas pero hindi ko po pala kaya siguro yung panahon na yun nanalo ako, huy Herlene tama na gumising ka na sa katotohanan na 'di mo kayang i-represent ang Pilipinas."
Narito ang kabuuan ng naturang video:
Si Herlene "Hipon" Budol ay unang sumikat sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa siya ay nasa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up.
Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman daw nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.
Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang na binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kanyang kauna-unahang international pageant.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh