Php1 million na bigay ni Kiray Celis sa kanyang ina, mula umano sa kanyang online selling

Php1 million na bigay ni Kiray Celis sa kanyang ina, mula umano sa kanyang online selling

- Masayang naibahagi ni Kiray Celis na sa kita niya sa online selling nakuha ang Php1 million na bigay sa kanyang ina

- Aniya, agad-agad niya itong kinita online kaya naman labis na napasaya ang ina sa kaarawan nito

- Enjoy din si Kiray sa online selling sa kabila ng kanyang pelikula at show na ginagawa

- Kilala si Kiray bilang mapagmahal sa pamilya at labis na hinahangaan sa pagiging mapagbigay sa mga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muli na namang hinangaan ng marami si Kiray Celis dahil umano sa pagbibigay ng Php 1 milyon sa kaarawan ng kanyang ina.

Nalaman ng KAMI na ang isang milyong ito ay kita lamang ni Kiray sa kanyang online selling.

Php1 million na bigay ni Kiray Celis sa kanyang ina, mula umano sa kanyang online selling
Kiray Celis
Source: Facebook

"Doon ko po naipon 'yung Php1 million ni mama. Agad agad," kwento ni Kiray sa panayam sa kanya ni Karen Davila.

Read also

Paolo Contis sa nagsasabing namimigay siya ng premyo pero hindi sustento: "bobo"

Bukod kasi sa ginagawa niyang pelikula at show naisisingit pa rin niya talaga ang kanyang online selling business. Aniya, sobrang nae-enjoy niya ito gayung likas siyang madaldal at masayahin.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng panayam kay Kiray mula sa YouTube channel ni Karen Davila:

Si Kiray Celis ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa Muntíng Miss U ng dating noontime show sa Kapamilya Network ang MTB o 'Magandang Tanghali Bayan'. Naging bahagi siya ng "Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up". Kilala si Kiray bilang isa sa mga kilalang artista na labis ang pagpapahalaga sa kanyang pamilya. Makailang beses siyang hinangaan sa bonggang regalo na kanyang naibibigay sa kada nagdiriwang ng kaarawan ang bawat miyembro ng kanilang pamilya lalong-lalo na ang kanyang mga pinakamamahal na magulang.

Read also

Alyssa Alvarez, umalma sa mga kumuwestiyon bakit hindi daw siya na-gong

Tulad na lamang nang mag-viral din ang kanyang vlog kung saan na-prank muna niya ang kanyang ama sa birthday nito bago niya ibigay ang surpresang money cake na may lamang ₱62,000 dahil 62-anyos na ang pinakamamahal niyang ama. Sinorpresa niya rin ang kanyang kapatid sa kaarawan nito ng bagong PS5.

Minsan ding nag-viral si Kiray nang ipa-tattoo ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia ang kanyang mga mata malapit sa dibdib nito.

First time din kasi ni Stephan na magpa-tattoo at ang mga mata pa ni Kiray ang napili niyang ipalagay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel