Kiray Celis, kinilig nang ipa-tattoo ng BF ang mukha niya: "Haba ng hair ko!"

Kiray Celis, kinilig nang ipa-tattoo ng BF ang mukha niya: "Haba ng hair ko!"

- Ipinata-tattoo ng boyfriend ni Kiray na si Stephan Estopia ang mukha ng aktres malapit sa kanyang dibdib

- Labis na kinilig si Kiray dahil ang BF mismo ang nagdesisyon na magpa-tattoo at tungkol pa sa kanya

- Dahil dito, tila pahiwatig na 'forever' na raw ang kanilang relasyon gayung ang tattoo ay basta nabubura o naaalis

- Ayon kay Kiray, sobrang saya raw niya sa ginawa ng BF na magpa-tattoo ng tungkol pa sa kanya kaya naman mahal na mahal daw niya ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang 'mahaba ang hair' ni Kiray Celis dahil naisipan ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia na magpa-tattoo ng tungkol sa kanya.

Nalaman ng KAMI na napili ni Stephan ang mga mata ni Kiray na ipa-tattoo malapit sa kanyang dibdib.

Sobrang excited ni Kiray at tila siya pa ang kabado para sa kanyang boyfriend.

Read also

Vince Flores, pinakita ang resulta ng kanyang pagpapaayos ng ilong

First time din kasi ni Stephan na magpa-tattoo at ang mga mata pa ni Kiray ang napili niyang ipalagay.

"So this will not break us? Ever? And this is not gonna stop us? And this is forever?" tanong ni Kiray kay Stephan matapos ang tattoo session.

"Sobrang happy ako, pinalagay mo ako talaga diyan. Sobrang thank you and I love you so much"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng makulit na vlog ng aktres mula sa kanyang YouTube channel na Kiray Celis:

Si Kiray Celis ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa Muntíng Miss U ng dating noontime show sa Kapamilya Network ang MTB o 'Magandang Tanghali Bayan'. Naging bahagi siya ng "Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

Read also

Guro, bumalik pa rin sa pagtuturo sa kabila ng pinagdaanan sa pagtanggal ng isang mata

Kilala si Kiray sa kanyang pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya. Matatandaang nag-viral din ang kanyang vlog kung saan na-prank muna niya ang kanyang ama sa birthday nito bago niya ibigay ang surpresang money cake na may lamang ₱62,000 dahil 62-snyos na ang pinakamamahal niyang ama.

Sinorpresa niya rin ang kanyang kapatid sa kaarawan nito ng bagong PS5.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na isaalang-alang ang pagrespeto sa lahat ng oras lalo na sa pagbibigay komento at opinyon sa mga bagay-bagay. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel