Kiray Celis, na-prank muna ang ama bago ibigay ang money cake na may ₱62,000

Kiray Celis, na-prank muna ang ama bago ibigay ang money cake na may ₱62,000

- Sinurpresa ni Kiray Celis ang ama para sa ika-62 na kaarawan nito

- Dahil alam naman ng kanyang ama na tutuparin niya ang hiling nito, naisipan niya muna itong i-prank

- Imbes na ibigay agad ang 'money cake', 'mani cake' muna ang una nitong iniabot sa ama

- Nauna nang nasurpresa ni Kiray ang kanyang ina na binigyan niya ng litson at lobo na naglalaman ng ₱56,000 para sa 56th birthday nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang hinangaan ng marami si Kiray Celis sa pagiging mabait at mapagmahal na anak nang isurpresa naman niya ang kanyang ama para sa 62nd birthday nito.

Nalaman ng KAMI na isang prank muna ang ginawa ni Kiray bago niya ibigay ang hiling ng ama na 'money cake.'

Matatandaang una nang sinurpresa ni Kiray ang kanyang ina sa kaarawan nito kung saan, ₱56,000 naman ang kanyang naibigay dito.

Read also

Misis na nakawala sa masalimuot na relasyon, ginulat ang marami sa kanyang glow-up photos

Kiray Celis, na-prank muna ang ama bago ibigay ang money cake na may ₱62,000
Sina Kiray Celis at ang kanyang tatay (Photo credit: @kiraycelis)
Source: Instagram

At dahil alam naman ng kanyang ama na tutuparin niya ang kanyang kahilingan, naisip muna ni Kiray na i-prank ito.

Una muna niyang inihain ang greeting cake kung saan pagbati lamang na 'Happy Birthday' ang nahugot ng ama at ang isa naman ay ang 'mani cake' na naglalaman ng 'Happy Peanuts'.

Ngunit nang ibigay na ni Kiray ang totoong money cake, wala nang pagsidlan ng kasiyahan ang kanyang ama na nagpasalamat sa kanya.

Natutuwa rin si Kiray na tila tumatak na sa publiko ang pagiging mapagmahal sa pamilya. Sa bawat okasyon, hindi nagmimintis ang aktres na magbahagi ng biyaya lalong-lalo na sa kanyang mga mahal sa buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kiray Celis ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa Muntíng Miss U ng MTB. Naging bahagi siya ng "Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

Read also

80-anyos na namumuhay mag-isa, sinurpresa at tinulungan ng isang TikToker

Kilala si Kiray sa kanyang pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya. Matatandaang nag-viral din ang kanyang regalo para sa kanyang mga magulang noong Valentines Day.

Sinorpresa niya rin ang kanyang kapatid sa kaarawan nito ng bagong PS5.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel