Lovely Abella, nilinaw na hindi nagalit ang mister nang makita ang kanyang branded na bag

Lovely Abella, nilinaw na hindi nagalit ang mister nang makita ang kanyang branded na bag

- Ibinahagi ni Lovely Abella kamakailan ang naging reaksiyon ng kanyang asawang si Benj Manalo nang makita ang kanyang branded na bag

- Napatanong ito habang tinuturo ang nasabing bag dahil sa pag-aakalang bagong bili ng kanyang misis iyon

- Kasunod nito ay marami ang napatanong kung nagalit ba si Benj sa bagong bag na nakita niya sa kotse ni Lovely

- Nilinaw naman ng mag-asawa na hindi siya galit dahil itinuturing nilang investment ang mga branded bags lalo at naibebenta nila ang ilan sa mga mamamahaling bag ni Lovely

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang video na ibinahagi ni Lovely Abella, makikita ang kanyang asawang si Benj Manalo na tila galit habang tinatanong si Lovely kaugnay sa nakita nitong branded na bag sa kotse ng aktres.

Ayon kay Lovely, inakala ni Benj na bago iyon ngunit aniya, alam ni Benj iyon nang bilhin niya.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Lovely Abella, nilinaw na hindi nagalit ang mister nang makita ang kanyang branded na bag
Benj Manalo and Lovely Abella-Manalo (@lovelyabella_)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasunod nito ay minabuti ng mag-asawang linawin na hindi nagalit si Benj. Siya mismo umano ay nagbibigay ng mga ganoong bag sa asawa. Suportado niya umano si Lovely lalo at naibebenta naman nila ang mga branded na bags ni Lovely.

Siyempre dapat lang kayo ang magtatanggol sa isat-isa, ilalabas ko ang Video na to, maniwala kayo sasabhin niyo sakin totoo nga ang sinasabi niya "Happy wife Happy Life" strict siya sa ibang bagay pero hindi sa pagbili ng mga gusto ko. Hindi para ipagyabang to kundi parang ganun na din. char lang

Si Lovely Abella ay unang nakilala bilang isa sa mga nagpa-prank sa Bitoy's Funniest Videos. Ito ang nagbukas ng oportunidad sa kanya para maging isa sa Wowowee dancer. Si Benj Manalo ay anak ng komedyante at TV host na si Jose Manalo.

Read also

RR Enriquez, pinayuhan si Lolit Solis matapos ang kontrobersiyal na post nito

Matatandaang nag-viral kamakailan ang ibinahagi ni Lovely na screenshot ng pag-uusap nilang mag-asawa kung saan binigyan siya ng asawa ng P200,000 matapos siyang dumaing na masama ang kanyang pakiramdam.

Naging usap-usapan din ang kanilang bagong bahay na ipinapatayo na mula sa kanilang pag-o-online selling.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel