Alyssa Alvarez, umalma sa mga kumuwestiyon bakit hindi daw siya na-gong

Alyssa Alvarez, umalma sa mga kumuwestiyon bakit hindi daw siya na-gong

- Pinalagan ni Alyssa Alvarez ang mga netizens na nagkomento ng negatibo laban sa kanya matapos ang kanyang Tawag ng Tanghalan performance

- Ani Alyssa hindi naman siya galit sa mga nagsabing may sablay ang kanyang pagkanta dahil aniya ay aminado naman siya

- Gayunpaman, inalmahan niya ang mga nagkomento na kaya daw hindi siya na-gong ay dahil may pangalan daw kasi siya

- Sa kanyang pagsalang sa Tawag ng Tanghalan ay maayos niyang nakanta ang awiting 'Sana'y Walang Wakas' at nasa pangalawang pwesto siya sa binigay na puntos sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umalma si Alyssa Alvarez sa nagsabing kaya hindi siya na-gong sa kanyang pagsali sa Tawag ng Tanghalan dahil may pangalan daw siya. Paglilinaw niya, singing contest yun at hindi popularity contest.

Alyssa Alvarez, umalma sa mga kumuwestiyon bakit hindi daw siya na-gong
Alyssa Alvarez, umalma sa mga kumuwestiyon bakit hindi daw siya na-gong (ABS-CBN Entertainment)
Source: Youtube

Sa kanyang TikTok video, sinabi ni Alyssa na aminado naman siyang hindi perpekto ang kanyang pagkanta pero aniya ang mahalaga ay hindi siya nabilangan at hindi na-gong.

Read also

Xian Gaza sa pag-prank ni Marian kay Ivana: "Tumanda na kami't lahat eh napa-prank pa rin si Ivana"

Dagdag pa niya, may sinabi naman din ang mga judge sa kanya tungkol sa kanyang pagkanta bukod pa sa positibong komento nila sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si AJ Raval ay unang nakilala sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" sa ilalim ng direksiyon ni Direk Darryl Yap. Anak siya ng dating matinee idol at action star na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez.

Naitanong kay Kylie Padilla ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur at AJ ng kanilang relasyon nitong Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan. Sa ginanap na mediacon ng serye niyang Mga Lihim ni Urduja ay natanong din sa kanya kung ano ang reaksiyon niya sa pangbabash kina Aljur at AJ kasunod ng kanilang post kamakailan. Muli ay sinabi niyang hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang masaya siya para sa kanilang lahat.

Diretsahang sinabi ni Kylie Padilla na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ. Aniya, hindi deserve ni AJ ang hate at bashing na kanyang tinatanggap mula sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel