Paolo Contis sa nagsasabing namimigay siya ng premyo pero hindi sustento: "bobo"

Paolo Contis sa nagsasabing namimigay siya ng premyo pero hindi sustento: "bobo"

- Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na si Paolo Contis sa ilang isyung naibabato sa kanya sa pagiging host ng Eat Bulaga

- Isa na rito ang komentong nakapagbibigay umano siya ng premyo subalit hindi sustento sa kanyang mga anak

- Aminado mang hindi maganda ngunit 'bobo' ang nasambit niyang salita kaugnay nito

- Aniya, wala umano siyang pinatatamaan sa nasabi subalit hiling niyang sana'y maunawaan ng publiko na pera ng produksyon at di niya pera ang ibinabahagi sa programa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagsalita na si Paolo Contis kaugnay sa mga ipinupukol sa kanyang isyu simula nang maging host siya ng Eat Bulaga.

Paolo Contis sa nagsasabing namimigay siya ng premyo pero hindi sustento: "bobo"
Paolo Contis (Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na isa sa mga naging isyu ay ang pamimigay ng premyo ni Paolo sa nasabing noontime show, na naiugnay ng netizesn sa minsan na niyang pag-amin na hindi pagsusustento sa mga anak.

Read also

Alyssa Alvarez, umalma sa mga kumuwestiyon bakit hindi daw siya na-gong

Sa panayam sa YouTube channel ni Ogie Diaz, nasabi nitong pinipigilan lamang siya ni Paolo na magsalita at magkomento rito bilang malapit na kaibigan ng aktor. Kaya naman mismong si Paolo na ang nagsalita tungkol dito.

"'Yung nagbibigay ng papremyo, hindi ko naman pera 'yun e. Pera ng production 'yun. Tawang-tawa ako sa konsepto na yun. Ang daming naniniwala na o, kung makapagbigay ka ng papremyo... Akin? Pera ko? Budget ng show 'yun e," ani Paolo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Alam mo ang pangit ng sasabihin ko, maaano na naman to pero pag makikita mo... bobo!" dagdag pa niya.

Gayunpaman, nilinaw ni Paolo na wala siyang partikular na pinatutungkulan sa nasabing pahayag na ito.

"Wala po akong pinatatamaan ah, pero I hope you get the point."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Read also

Php1 million na bigay ni Kiray Celis sa kanyang ina, mula umano sa kanyang online selling

Si Paolo Contis ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at hanggang ngayon at aktibo pa rin sa showbiz. Katunayan, isa si Paolo sa napiling maging host ng Eat Bulaga matapos na umano'y lisanin nina Tito, Vic at Joey ang TAPE Inc. noong Mayo 31.

Samantala, naging usap-usapan din si Paolo dahil sa hiwalayan nila ni LJ Reyes at labis ding gumawa ng ingay ang isyu sa pagiging ama ni Paolo na aminadong hindi nakapagbibigay umano ng sustento sa mga anak. Kabi-kabilang pambabatikos ang natamo ng aktor dahil dito at hanggang ngayon ay tila hindi pa ring humuhupa ang kontrobersiyang ito tungkol sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel