Maymay Entrata, mas focused daw muna sa kanyang pagkanta

Maymay Entrata, mas focused daw muna sa kanyang pagkanta

- Nagkasamang muli sina Maymay Entrata at ang kaibigan niyang si Mimiyuuuh sa isang bagong vlog

- Habang nag-mu-mukbang ay nag-usap ang magkaibigan tungkol sa mga panibagong kaganapan sa buhay nila

- Naibahagi ni Maymay na mas focused daw muna siya sa ngayon sa pagkanta pero aniya ay hindi naman niya tatalikuran ang pag-arte

- Sa katunayan ay nakapag-aral daw siya ng acting sa Canada pero para sa kanya ay kailangan niya daw uli mag-workshop dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan sina Maymay Entrata at ang kaibigan niyang si Mimiyuuuh sa kanilang bagong video kung saan nag-mukbang sila. Naibahagi ni Maymay na mas focused daw muna siya sa ngayon sa pagkanta pero aniya ay hindi naman niya tatalikuran ang pag-arte.

Maymay Entrata, mas focused daw muna sa kanyang pagkanta
Maymay Entrata, mas focused daw muna sa kanyang pagkanta (@maymay)
Source: Instagram

Sa katunayan daw ay sumailalim pa sa acting workshop si Maymay sa Canada. Gayunpaman, para sa kanya ay kailangan niya daw uli mag-workshop dito. Ito ay dahil daw iba ang atake nila sa pag-arte doon kaysa dito sa Pilipinas.

Read also

Herlene Budol, desididong pagbutihan ang performance: "Everyday is a learning process"

Nakatakda namang ilabas ang bagong kanta ni Maymay kung saan naka-collab niya ang isang Kpop star.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Maymay Entrata o si Marydale Entrata sa tunay na buhay ay isang actress, singer, television host, at model. Sumikat siya matapos siyang tanghaling big winner sa Pinoy Big Brother: Lucky 7. Naging talent siya ng Star Magic matapos siyang manalo sa PBB. Bumida siya sa romantic comedy film na Loving in Tandem (2017). Ilan pa sa mga pelikulang kinabilangan niya ay Da One That Ghost Away at Hello, Love, Goodbye. Naging bahagi din siya ng seryeng La Luna Sangre (2017) at Hiwaga ng Kambat (2019).

Lingid sa kaalaman ng marami malapit na magkaibigan pala sina Maymay at Mimiyuuuh. Una umano silang nagkita ni Mimiyuuuh sa Star Magic Ball at simula noon ay nakagaanan nila ng loob ang isa't-isa. Kagaya ni Maymay, madalas umano magsabi ng kanyang problema si Mimiyuuuh sa kaibigan. Kinaaliwan din ang version ng "skrrt" ni Maymay dahil sa kakaibang talento niya sa kanyang braso.

Sa mukbang sa nina Mimiyuuuh at Maymay ay hindi inatrasan ni Maymay ang ilan sa mga nakakaintrigang mga tanong para sa kanya. Kabilang sa natanong ay kung mayroon daw ba siyang hindi magandang karanasan sa isang artista. Hindi naman daw niya maituturing na bad iyon ngunit aniya ay tiningnan siya ng di na niya pinangalanang artista mula ulo hanggang paa at inirapan pa siya. Nangyari raw ito noong bago pa lamang sila nakalabas sa Pinoy Big Brother at pumunta siya sa ASAP para makita nang personal ang mga artista.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate