Alma Moreno sa bagay na pinagsisihan: "Siguro yung hindi ko tinapos yung pag-aaral ko"

Alma Moreno sa bagay na pinagsisihan: "Siguro yung hindi ko tinapos yung pag-aaral ko"

- Naitanong kay Alma Moreno kung ano ang kanyang pinagsisisihan sa kanyang buhay

- Aniya, siguro ay ang hindi niya pagtatapos sa kanyang pag-aaral

- Gayunpaman, sinigurado niya raw sa kanyang anak na matapos nila ang kanilang pag-aaral

- Hindi naman daw niya pinagsisihan na nakilala niya ang mga ama ng kanyang mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Alma Moreno, maituturing niyang ang hindi niya pagtapos sa kanyang pag-aaral ang pinagsisihan niya. Sa panayam ni Ogie Diaz, sinabi niyang sinigurado daw niya na magtapos sa pag-aaral ang kanyang mga anak.

Alma Moreno sa bagay na pinagsisihan: "Siguro yung hindi ko tinapos yung pag-aaral ko"
Alma Moreno sa bagay na pinagsisihan: "Siguro yung hindi ko tinapos yung pag-aaral ko" (Ogie Diaz/YouTube)
Source: Youtube

Hindi naman maitago ni Alma na proud siya sa kanyang mga anak na pinagsikapan ang kanilang pag-aaral. Ang mga anak niyang sina Wynwin, Yeoj at ba pang mga anak niya ay ibinida niya sa kanilang tinapos.

Read also

Alma Moreno, iniinda pa rin ang sakit dahil sa multiple sclerosis

Si Alma Moreno ay nakilala sa kanyang husay sa pagsayaw. Sa katunayan, nagkaroon siya ng weekly variety show noon na pinamagatang Loveli-Ness. Nagkaroon siya ng relasyon sa namayapang action star na si Rudy Fernandez at nagkaroon ng isang anak-si Mark Anthony Fernandez. Si Vandolph naman ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng namayapang King of Comedy na si Dolphy. Tatlo naman ang naging anak nila ni Joey Marquez, sina Yeoj, Wynwyn at Vitto.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang binahaging gender reveal video, binahagi din ni Winwyn Marquez ang mga mensahe ng malalapit niyang pamilya. Hiling ng kanyang amang si Joey Marquez, babae ang maging unang apo niya sa anak na si Winwyn. Kaya naman, hindi maitago ng komedyante ang kanyang galak nang tuluyan nang ilabas ni Winwyn at ng kanyang partner na babae nga ang kanilang anak. Matatandaang sa pamamagitan ng isang vlog ay isinapubliko ng dating beauty queen ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Sa kanyang pagkukuwento sa panayam sa kanya ni Aster Amoyo, naibahagi ni Alma na malapit silang magkaibigan ni Lorna Tolentino. Sa katunayan ay magkumare umano sila dahil inaanak ni LT ang anak niyang si Yeoj na anak nila ni Joey Marquez. Palagi umano siyang nagpasalamat kay Lorna dahil sa mga naitulong nito sa kanila at sa pagiging malapit nila. Si Lorna ang naging asawa ng kanyang dating karelasyon at ama ng anak niyang si Mark Anthony Fernandez—si Rudy Fernandez o mas kilala bilang si Daboy.

Source: KAMI.com.gh

Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel