Alma Moreno, iniinda pa rin ang sakit dahil sa multiple sclerosis

Alma Moreno, iniinda pa rin ang sakit dahil sa multiple sclerosis

- Naiyak si Alma Moreno nang matanong ni Ogie Diaz kung may iniinda itong sakit

- Mayroon itong multiple sclerosis at wala umanong lunas ang sakit na kanyang dinaranas

- Bawal daw ang sobrang stress sa kanyang sakit ngunit aniya ay hindi naman pwedeng walang stress

- Sinasarili na lamang niya ang sakit at tinitiis ito dahil alam naman daw niyang mawawala lang din iyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Alma Moreno, iniiyak na lamang niya lalo kapag mag-isa lang siya ang iniindang sakit dahil sa multiple sclerosis. Sa panayam ni Ogie Diaz, sinabi niyang sinasarili na lamang niya ang sakit at tinitiis ito dahil alam naman daw niyang mawawala lang iyon.

Alma Moreno, iniinda pa rin ang sakit dahil sa sakit na multiple sclerosis
Alma Moreno, iniinda pa rin ang sakit dahil sa sakit na multiple sclerosis (Ogie Diaz/YouTube)
Source: Youtube

Matagal na umano ang sakit niyang ito ngunit sumusumpong-sumpong lang din lalo kapag sobra ang nararanasan niyang stress. Wala umanong lunas ang sakit niya kaya kadalasan ay pinapatulog lang siya kapag sumusumpong ang sakit niya.

Read also

Alma Moreno, aminadong iniyakan din noon ang kontrobersiyal na panayam ni Karen Davila

Tumataas din umano ang blood sugar at pressure niya ngunit kontrolado naman daw.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Alma Moreno ay nakilala sa kanyang husay sa pagsayaw. Sa katunayan, nagkaroon siya ng weekly variety show noon na pinamagatang Loveli-Ness. Nagkaroon siya ng relasyon sa namayapang action star na si Rudy Fernandez at nagkaroon ng isang anak-si Mark Anthony Fernandez. Si Vandolph naman ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng namayapang King of Comedy na si Dolphy. Tatlo naman ang naging anak nila ni Joey Marquez, sina Yeoj, Wynwyn at Vitto.

Sa kanyang binahaging gender reveal video, binahagi din ni Winwyn Marquez ang mga mensahe ng malalapit niyang pamilya. Hiling ng kanyang amang si Joey Marquez, babae ang maging unang apo niya sa anak na si Winwyn. Kaya naman, hindi maitago ng komedyante ang kanyang galak nang tuluyan nang ilabas ni Winwyn at ng kanyang partner na babae nga ang kanilang anak. Matatandaang sa pamamagitan ng isang vlog ay isinapubliko ng dating beauty queen ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Sa kanyang pagkukuwento sa panayam sa kanya ni Aster Amoyo, naibahagi ni Alma na malapit silang magkaibigan ni Lorna Tolentino. Sa katunayan ay magkumare umano sila dahil inaanak ni LT ang anak niyang si Yeoj na anak nila ni Joey Marquez. Palagi umano siyang nagpapasalamat kay Lorna dahil sa mga naitulong nito sa kanila at sa pagiging malapit nila. Si Lorna ang naging asawa ng kanyang dating karelasyon at ama ng anak niyang si Mark Anthony Fernandez—si Rudy Fernandez o mas kilala bilang si Daboy.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel