Alma Moreno, aminadong iniyakan din noon ang kontrobersiyal na panayam ni Karen Davila

Alma Moreno, aminadong iniyakan din noon ang kontrobersiyal na panayam ni Karen Davila

- Inamin ni Alma Moreno na naiyak siya noong mag-viral ang panayam sa kanya ni Karen Davila

- Sa video na binahagi ni Ogie Diaz, naitanong sa kanya kung naging trauma ang pagtakbo ni Alma sa pagiging senador

- Noong una daw ay dinamdam ni Alma ang mga pambabatikos sa kanya kaugnay ng panayam ni Karen

- Kinalaunan daw ay naging maayos din siya dahil aniya ay kailangan niyang bumangon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay Alma Moreno, naging lesson para sa kanya ang viral na panayam ni Karen Davila sa kanya. Gayunpaman, aniya ay hindi niya kailangang patunayan ang sarili niya sa ibang tao.

Alma Moreno, aminadong iniyak din noon ang kontrobersiyal na panayam ni Karen Davila
Alma Moreno, aminadong iniyak din noon ang kontrobersiyal na panayam ni Karen Davila (Ogie Diaz/YouTube)
Source: Youtube

Aminado si Alma na iniyakan niya din ang pangyayaring iyon na naging dahilan ng pambabatikos sa kanya. Kinalaunan daw ay naging maayos din siya dahil aniya ay kailangan niyang bumangon.

Read also

Alma Moreno, iniinda pa rin ang sakit dahil sa multiple sclerosis

Ang tinutukoy na panayam ay naganap noong panahon ng kampanya nang tumakbo siya bilang senador.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Alma Moreno ay nakilala sa kanyang husay sa pagsayaw. Sa katunayan, nagkaroon siya ng weekly variety show noon na pinamagatang Loveli-Ness. Nagkaroon siya ng relasyon sa namayapang action star na si Rudy Fernandez at nagkaroon ng isang anak-si Mark Anthony Fernandez. Si Vandolph naman ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng namayapang King of Comedy na si Dolphy. Tatlo naman ang naging anak nila ni Joey Marquez, sina Yeoj, Wynwyn at Vitto.

Sa kanyang binahaging gender reveal video, binahagi din ni Winwyn Marquez ang mga mensahe ng malalapit niyang pamilya. Hiling ng kanyang amang si Joey Marquez, babae ang maging unang apo niya sa anak na si Winwyn. Kaya naman, hindi maitago ng komedyante ang kanyang galak nang tuluyan nang ilabas ni Winwyn at ng kanyang partner na babae nga ang kanilang anak. Matatandaang sa pamamagitan ng isang vlog ay isinapubliko ng dating beauty queen ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Sa kanyang pagkukuwento sa panayam sa kanya ni Aster Amoyo, naibahagi ni Alma na malapit silang magkaibigan ni Lorna Tolentino. Sa katunayan ay magkumare umano sila dahil inaanak ni LT ang anak niyang si Yeoj na anak nila ni Joey Marquez. Palagi umano siyang nagpapasalamat kay Lorna dahil sa mga naitulong nito sa kanila at sa pagiging malapit nila. Si Lorna ang naging asawa ng kanyang dating karelasyon at ama ng anak niyang si Mark Anthony Fernandez—si Rudy Fernandez o mas kilala bilang si Daboy.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel