Alma Moreno, ibinahagi kung gaano siya nagpapasalamat kay Lorna Tolentino

Alma Moreno, ibinahagi kung gaano siya nagpapasalamat kay Lorna Tolentino

- Sa kanyang pagkukuwento sa panayam sa kanya ni Aster Amoyo, naibahagi ni Alma Moreno na malapit silang magkaibigan ni Lorna Tolentino

- Sa katunayan ay magkumare umano sila dahil inaanak ni LT ang anak niyang si Yeoj na anak nila ni Joey Marquez

- Palagi umano siyang nagpasalamat kay Lorna dahil sa mga naitulong nito sa kanila at sa pagiging malapit nila

- Si Lorna ang naging asawa ng kanyang dating karelasyon at ama ng anak niyang si Mark Anthony Fernandez—si Rudy Fernandez o mas kilala bilang si Daboy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naikwento ni Alma Moreno na malaki ang kanyang pasasalamat sa asawa ni Rudy Fernandez na si Lorna Tolentino. Kumare niya umano ito dahil inaanak niya ang anak nila ni Joey Marquez na si Yeoj.

Alma Moreno, ibinahagi kung gaano siya nagpapasalamat kay Lorna Tolentino
Alma Moreno with her daughter, Teresita Ssen Winwyn Marquez. Photo from Teresita Marquez (@teresitassen)
Source: Instagram

Palagi umano siyang nagpasalamat kay Lorna dahil sa mga naitulong nito sa kanila at sa pagiging malapit nila. Siya rin umano ang tumulong sa kanyan noong nagka problema ang anak na si Mark Anthony Fernandez.

Read also

Alma Moreno, sinabing nagkakamustahan sila ng lovelife ni Joey Marquez

Si Lorna ang naging asawa ng kanyang dating karelasyon at ama ng anak niyang si Mark Anthony—si Rudy Fernandez o mas kilala bilang si Daboy.

Nakwento niyang lahat ng kanyang naging ex ay naging kaibigan naman niya. Ngunit malapit umano siya kay Joey Marquez sa kasalukuyan. Napag-uusapan nila ang kanilang love life at ang mgab bagay tungkol sa kanilang anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito ay sa kabila ng pagkakaroon nila ng kanilang sari-sariling buhay. Nagsama silang mag-asawa sa loob ng 13 na taon at nabiyayaan sila ng apat na anak. Taong 2004 nang mapawalang bisa ang kanilang kasal matapos nilang maghiwalay.

Ayon kay Alma, hindi niya maipagkukumpara ang pagmamahal niya sa kanyang mga nakarelasyon at maituturing niya umano silang lahat na kanyang great love.

Ang anak ni Alma Moreno na si Si Teresita Ssen Lacsamana Marquez o mas kilala sa kanyang screen name na Winwyn Marquez ay isang actress, model, dancer at beauty queen na kinoronahan bilang Reina Hispanoamericana 2017 sa Santa Cruz, Bolivia noong November 4, 2017.

Read also

Lassy, inaming siya ang dahilan kung bakit walang bagong video ang Beks Battalion kamakailan

Kamakailan ay kinaaliwan ang sayaw ng mag-inang Winwyn at Alma sa ibinahaging video ni Winwyn sa kanyang YouTube channel.

Sinagot din ni Winwyn ang pang-uudyok sa kanya ng ilang netizens na sumali siya sa Miss Universe.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate