Alma Moreno, sinabing nagkakamustahan sila ng lovelife ni Joey Marquez

Alma Moreno, sinabing nagkakamustahan sila ng lovelife ni Joey Marquez

- Sa panayam ni Aster Amoyo kay Alma Moreno, naibahagi niya ang kanyang maayos na relasyon sa kanyang mga naging karelasyon

- Kabilang na sa kanila ang dating asawang si Joey Marquez na mayroon na ring ibang karelasyon sa kasalukuyan

- Ani Alma, malapit silang magkaibigan ni Joey sa ngayon at kapag nagkikita umano sila ay nakakapagkamustahan pa sila tungkol sa kanilang love life

- Nagsama silang mag-asawa sa loob ng 13 na taon at nabiyayaan sila ng apat na anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naibahagi ni Alma Moreno kung gaano siya kalapit sa dating asawang si Joey Marquez. Sa katunayan ay masasabi nila umanong mag bestfriend sila. Sa panayam sa kanya ni Aster Amoyo, naibahagi ni Alma na kapag nagkikita umano sila ay nakakapagkamustahan pa sila tungkol sa kanilang love life.

Read also

IG post ni Seth Fedelin, viral kasunod ng paglabas ng picture nila ni Francine Diaz

Alma Moreno, sinabing nagkakamustahan sila ng lovelife ni Joey Marquez
Joey Marquez kasama ang kanyang mga anak (@tsong_marquez)
Source: Instagram

Maging sa kanyang pagpasok sa politika, suportado umano siya ng dating asawa. Naging karelasyon din ni Alma sina Rudy Fernandez, Dolphy at isa pang politiko na Muslim na kanya ding pinakasalan.

Ayon kay Alma, hindi niya maipagkukumpara ang pagmamahal niya sa kanyang mga nakarelasyon at maituturing niya umano silang lahat na kanyang great love.

Narito ang komento ng ilang netizens sa panayam na ito kay Alma:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang sarap pakinggan ang interview ni Alma. Lahat ng sinasabi niya alam mong totoo at galing sa puso niya, hindi siya nagpapaka plastic.
Maganda rin ang buhay ni Alma, sport lang siya sa mga naging asawa niya. Thanks Aster for this wonderful interview with Alma. Stay safe everyone.
Kaya nag ganda ganda pa rin ni Ms. Alma kasi Walang bitterness. Kaibigan niya lahat nang ex niya at mga asawa nang ex niya.

Read also

Lotlot de Leon, hindi pinalampas ang aniya'y panghuhusga sa kanya

Si Joey Marquez ay nakilala bilang isa sa cast ng sitcom na Palibhasa Lalake na tumagal ng 12 taon sa ere mula 1987. Kabilang sa mga kasamahan niya sa nasabing sitcom ay sina Richard Gomez, Gloria Romero, Cynthia Patag, Amy Perez, Carmina Villaroel, at Apa Ongpin.

Ikinasal siya kay Alma Moreno at nagkaroon sila ng apat na anak. Gayunpaman, taong 2004 nang mapawalang bisa ang kanilang kasal matapos nilang maghiwalay.

Kamakailan ay inamin ni Alma na masaya siya para sa dating asawa sa lagay ng love life nito sa kasalukuyan.

Samantala, naging usap-usapan din ang naging reklamo laban kay Alma kaugnay sa umano'y utang nito sa kanyang upa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel